Our six points reform program is a framework for urgent social, economic and political change in our beloved town of Malasiqui, Pangasinan.
For several decades, we remain victims of a rotten social and political system in our town, continuously perpetuated by the TRAPO and political dynasty.
BUT there is hope; it is in us, the people - in our unity and collective action.
JOIN US! NOW! It’s time to make a change in Malasiqui!
2. Mahal natin ang bayan ng Malasiqui. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang
nais nating reporma at tunay na pagbabago.
Nagbigkis tayo sa ating kilusan para sa reporma at pagbabago at tiyakin na ang
susunod na henerasyon sa ating bayan ay makapamuhay sa isang bayan na tunay
na maunlad at may pagmamalasakit sa bayan at mamamayan.
Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na
halalang 2013, para tapusin at wakasan ang pagha-hariharian ng kasalukuyang
lokal na administrasyon na kilala sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan at
pamumunong paurong at walang direksiyon.
Ngunit higit pa sa pagpapalit sa kasalukuyang bulok na administrasyon ang
nais natin. Mas mahalaga ang kinakailangang reporma at makabuluhang
pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang kinakikitaan ng malawakang
kahirapan, pulitika ng pangungurakot, at kultura ng pagkamakasarili. Kailangan natin
ang pagbabagong nagdadala ng komprehensibong pampulitika, pang-ekonomiya at
maka-kalikasang programa para sa mamamayan ng Malasiqui.
Ang pagmamahal natin sa bayan sa kasalukuyang panahon ay maipapamalas sa
pagtataguyod sa mga aspirasyon at adhikain ng mamamayan na nakapaloob sa
ating sumusunod na 6 Points Reform Program for Change:
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
3. HANAP-BUHAY PARA SA MAMAMAYAN!
1. Likhain ang MALASIQUI ECONOMIC DEVELOPMENT
PROGRAM - Kumilos para sa paglikha ng hanap-buhay
at maiangat ang kabuhayan ng mga Malasiquiño.
2. Likhain ang Malasiqui Investment Code – Lubos na
proteksyon at insentibo sa mga investors, kabilang ang
mga Entrepreneurs, Agri-business at Kooperatiba.
3. Likhain ang tunay na Peace and Order situation
para higit na maakit ang mga mamumuhunan mula sa
ibang bayan at ibayong-dagat.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
4. 1. MALASIQUI ECONOMIC DEVELOPMENT PROGRAM:
1.1. ”Malasiqui Economic Development Program”
(MEDP)-Likhain ang MEDP para sa komprehensibong
Economic Development Blueprint ng ating bayan. Hikayatin
ang mga mamumuhunan mula sa ibang bayan at ibayong-
dagat. Itayo ang mga negosyo sa ating bayan kabilang ang
”manufacturing and processing plant” ng ating produktong
agrikultural, tulad ng palay, mais, mani, mangga at iba pa.
1.2. 70-30 Policy – Bigyan ng mataas na prayoridad at
oportunidad ang mga Malasiquiño sa pagbibigay ng hanap-
buhay. Ibigay sa mga kababayan natin ang 70 porsiyento
(70%) o higit pa ng lakas-paggawa (labor force) sa lahat
ng mga malilikhang trabaho, kabilang ang konstruksiyon ng
mga gusali, kalsada at iba pa, publiko man o pribado. Ang
natitirang 30 porsiyento (30%) naman ng lakas-paggawa
ay ibukas na mula sa ibang bayan.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
5. 1.3. Buksan ang mga oportunidad sa agri-business
at Eko-Turismo at hikayatin ang mga entrepreneurs,
OFW’s at mga kooperatiba para likhain ang mga negosyo at
hanap-buhay para sa ating mga kababayan kabilang ang
pag-proseso (pabrika) ng dried mango; peanut butter; dairy
products, meat processing; cornik, at marami pang iba.
1.4. Malasiqui Public Employment Service Office (MPESO)
– Likhain ang MPESO at i-debelop ang data base ng iba’t-
ibang skilled labor. Makipag-MOA sa DOLE (Department of
Labor and Employment) para sa proramang Skills Registry
System (SRS) para sa job opportunities ng mamamayan.
Ang SRS ay isang sistemang ‘live’ electronic register of skills
para sa job matching at magsilbing gabay ng mga employer sa
paghahanap ng manpower at desisyon sa investment.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
7. 3. TUNAY NA PEACE & ODER SITUATION:
Likhain ang mga batayan sa Malasiqui bilang isang
”Business-friendly Municipality”.
3.1 Itayo sa bawat barangay ang ”community-based
crime prevention center” para sugpuin ang
operasyon ng mga elementong kriminal, sindikato, at
gawaing anti-sosyal, kabilang ang pagsugpo sa
pagnanakaw ng mga alagang hayop ng mga magsasaka
at pagsugpo sa pagpapalaganap ng ipinagbabawal na
gamot;
3.2. Maglagay ng mga CCTV sa mga eryang komersiyal at
bawat barangay bilang bahagi ng preventive measure
laban sa kriminalidad.
3.3. Centralized Terminal ng mga tricycle (with CCTV)–
pagtatayo ng sentralisadong terminal ng mga tricycle at
sistematisasyon sa daloy ng trapiko sa kabayanan.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
9. Itayo ang GREEN-ENERGY RESEARCH AND DEVELOPMENT
CENTER (GRDC) para sa mga programa sa alternatibong
enerhiya at proteksiyon sa kalikasan:
Benefits:
- No more Landfills
- No Effluent Stream
- No Leachate
- No Methane
- Produces pelletized carbon neutral non fossil fuel (RDF)
- Livelihood Creation
- Self sustaining
- Produces recyclable commodities
- Zero carbon footprint
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
10. E-trike Service
sa bawat Barangay
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
14. A. SERBISYO SA KABATAAN AT OUT-OF-SCHOOL
YOUTH (OSY)
Bigyan ng pinakamataas na atensiyon at interbensiyon ang
edukasyon at magandang kinabukasan ng mga kabataan:
SA PORMAL NA EDUKASYON:
1. College Scholarship – ipatupad ang programang ”isang
iskolar bawat maralitang pamilya”;
2. Study Now-Pay Later para sa mga Out-of-School Youth
(OSY);
3. Libreng Bayarin sa lahat ng mga mga pampublikong
paaralan, mula sa primarya hanggang sekundaryang
antas.
4. Pre-school - Pagtatayo ng iskwelahan ng Pre-School sa
bawat Barangay.
5. Insentibo sa bawat gurong pampubliko.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
16. B. KALUSUGAN NG MAMAMAYAN:
Pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan
Mga hakbang:
1. Malasiqui Health Insurance Program –Ilunsad ang
Health Insurance Program para tugunan ang
pangangailangan ng maralita at mamamayan sa quality
health care services.
2. Outpatient consultation and diagnostic Benefit
(OPB) Package - Makipag-MOA (Memorandum of
Agreement) ang Munisipyo sa Philippine Health Insurance
Corporation (PHIC) para makakuha ng OPB para sa
mamamayan.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
17. 3. Indigent Enrollment Program – Katuwang ang Barangay
Health Workers at ang Municipal Social Workers, tukuyin ang
mga indigents at kanilang dependents na kwalipikado sa
programa, kabilang ang mga barangay-tanod, sa
pamamagitan ng Community Based Information System
Minimum Basic Needs Approach.
4. Magpasa ng Ordinansa para sa Philhealth Capitation
Fund. Magtakda ng alokasyon ang munisipyo bilang
Counterpart Fund para sa regular na bayad sa insurance
premiums ng mga indigent-beneficiaries.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
18. 5. Itaas ang antas ng kakayahan ng ating Municipal
Hospital, kabilang ang dagdag na suweldo at training ng
karagdagang health personnel na mag-duty ng 24 oras. Kamtin
ang mga sumusunod na serbisyo:
A. Primary Preventive Services B. Diagnostic Examinations
1. Health consultation 1. Complete Blood Count (CBQ)
2. Visual inspection with acetic acid 2. Urinalysis
3. Regular BP measurements 3. Fecalysis
4. Breastfeeding program education 4. Sputum microscopy
5. Periodic clinical breast examinations 5. Fasting Blood Sugar
6. Counseling for lifestyle modification 6. Lipid profile
7. Counseling for smoking cessation 7. Chest x-ray
8. Body measurements
9. Digital Rectal Examination
C. Drugs and medicine:
1. Asthma including nebulisation services
2. Acute Gastroenteritis (AGE) with no or mild dehydration
3. Upper Respiratory Tract Infection (URTI)/Pneumonia (minimal mad low risk)
4. Urinary Tract Infection (UTI)
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
19. 6. TRADITIONAL AND ALTERNATIVE HEALTH CARE PROGRAM:
6.1. Preventive Health Care system - Buuin ang angkop at
komprehensibong programa at muling paggamit ng mga
tradisyunal at alternatibong paraan ng paggagamot, alinsunod
sa RA No. 8423 o "Traditional and Alternative Medicine Act
(TAMA) of 1997“ ;
6.2. Community-based health service - Ipalaganap sa bawat
barangay ang ”Herbal Plantation”;
Ilunsad ang mga gawain sa edukasyon at pagsasanay ng mga
barangay health workers sa acupuncture, massage/hilot
therapy at mga katulad na ligtas na paraan ng preventive health
care practices.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
20. K. Serbisyo sa mga pangunahing sektor ng bayan -
mga MAGSASAKA at OFW’s:
1. PARA SA SEKTOR NG MAGSASAKA/AGRIKULTURA
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
23. 2. PARA SA PAMILYA NG MGA OFW’s:
Sa bilang na humigit-kumulang na 75,000 na labor force ng
Malasiqui, 22% nito ang OFW. Isa sa pinakamalaking
konsentrasyon ng OFW sa Pilipinas. Batay dito, nararapat
suklian ang mga itinuturing na ”buhay na bayani” sa kanilang
kontribusyong pang-ekonomiya sa bansa at sa ating bayan.
Kung kaya’t, nararapat itayo ang OFW Welfare Center para
sa kagalingan ng mga kababayan nating OFW’s at kanilang
pamilya.
Ang OFW Welfare Center ay magsisilbing One-Stop Processing
Service Center (OPSC), para sa serbisyo sa pagproseso ng:
authenticated NSO-birth and marriage certificates; Police/NBI
clearance; passport processing at katulad na dokumento para
sa pagtatrabaho sa abroad.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
24. Iba pang serbisyo ng OFW Welfare Center:
1. WORK-ABROAD, PAY-LATER PROGRAM
Pautang ng walang interest para sa mga kababayang
kwalipikado na sa pag-abroad.
2. LIVELIHOOD and TRAINING ASSISTANCE
Pautang ng walang interest para sa mga pamilya ng OFW
sa kanilang livelihood at income generating projects.
Kabilang ang pagbibigay ng libreng enterpreneurial
training.
3. HEROES BURIAL
Pagbibigay ng karampatang parangal, katumbas ng
”heroes burial” sa mga kababayang OFW na
sumakabilang-buhay. Bigyan ng pagkilala bilang ”modern
heroes” at pagbibigay ng watawat ng Pilipinas sa mga
namatayan.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
25. REPORMA PARA SA BUKAS NA PAMAMAHALA
BUKAS AT WALANG IKINUKUBLING
PAMAMAHALA!
Ang bukas at walang ikinukubling pamamahala
ang susi sa mga reporma laban sa korupsiyon.
Ang bawat sentimo na napupunta sa kurapsiyon ay
halagang ninakaw ng mga corrupt na pulitiko mula sa
edukasyon, serbisyong panlipunan, paglikha ng
hanap-buhay at poverty reduction.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
26. REPORMA Para sa BUKAS na PAMAMAHALA
Openness/ Transparency:
Ipatupad ang FULL DISCLOSURE POLICY - Isapubliko ang
dokumento ng mga pampublikong kontrata at kasunduan, taunang
gastos at kita, kabilang ang taunang statement of assets, liabilities
at net worth (SALN) ng lahat ng mga pampublikong upisyal (Article
XI Section 17, Philippine Constitution).
Tiyakin ang pag-iral ng katapatan ng lahat ng kawani ng gubyerno,
halal man o appointed.
Gumawa ng kaukulang ordinansa kaugnay sa karapatan sa
impormasyon ng madla laban sa pribilehiyong ehekutibo.
Ang lahat ng mga dokumentong publiko at taunang ulat sa
bawat sentimong ginastos at kinita ng lokal na pamahalan, ay
nararapat isapubliko sa pamamagitan ng municipal website
alinsunod sa Local Government Code (Section 352, Republic Act
No. 7160).
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
27. REPORMA Para sa BUKAS na PAMAMAHALA
Transparency sa Sangguniang-Bayan:
1. Ibukas sa publiko ang bawat sesyon ng Sangguniang-Bayan
bilang mga aktibong obserber.
2. Ipatupad ang ONLINE at LIVE coverage (real-time) ng bawat
sesyon ng Sangguniang Pambayan, upang mapanood ng mga
mamamayan ang mga proseso sa pagbubuo ng mga
ordinansa’t resolusyon ng konseho.
Ang bawat naka-rekord na sesyon ng konseho ay maagap na
i-upload sa opisyal na website ng pamahalaang bayan ng
Malasiqui bilang reference ng publiko, kabilang ang mga
kababayan na OFW.
3. Ilunsad ang sesyon ng Sangguniang-Bayan sa bawat
barangay, isang beses bawat buwan upang lubos na
maobserbahan at matuto ng mamamayan sa proseso ng
gawaing lehislasyon.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
28. Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago!
DEMOKRATIKONG PAMUMUNO PARA SA
PAGBABAGO!
Good governance is easily achieved if its responsibilities are shared by the
people. A system of partnership between the governor and the governed
gives impetus to the time-honored principle that, indeed, "Sovereignty
resides in the people and all government authority emanates from
them. (Article II, Section 1, Philippine constitution).
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
29. Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
30. Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
31. Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
32. TUNAY NA MABUTING PAMAMAHALA,
NGAYON NA!
Ipatupad ang mabuting pamamahala at
responsableng pangangalaga sa kabang yaman
at rekursong pampubliko.
Itatatag ang mas epektibong mga mekanismong
nagtitiyak ng katapatan at pananagutan ng mga upisyal.
Bibigyan natin ng mataas na pagpapahalaga ang
integridad, kakayahan, kasipagan, katapatan at
kahusayan ng mga nasa serbisyong pampubliko.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
33. Reporma para sa Mabuting Pamamahala
ISAKATUPARAN ang PULITIKA NG PAGBABAGO
at tunay na paglilingkod sa mamamayan:
1. Pulitikang nakabase sa prinsipyo at mga isyu ng
mamamayan, hindi sa popularidad ng indibidwal at pamumudmod
ng pabuya sa botante;
2. Pulitika ng pananagutan (accountability) - Nararapat ang
pananagutan sa bayan at serbisyo publiko, hindi ng pansariling
kapakanan at pangangamkam sa kaban ng bayan. Batay sa
saligang batas ng Pilipinas, (Article XI, Section 1) - “Public office
is a public trust. Public officers and employees must, at all times,
be accountable to the people, serve them with utmost
responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism
and justice, and lead modest lives”
3. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa
mamamayan, hindi ng panlilinlang at hungkag na pangako ng
mga tradisyunal at lumang pulitiko;
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
34. Reporma para sa Mabuting Pamamahala
4. Pulitikang nagtataguyod sa tunay na good
governance.
Masusukat ang tunay na Good Governance kung integral na
umiiral ang mga sumusunod na mga prinsipyo sa
pamamahala:
- Transparency (bukas at walang ikinukubli);
- Accountability (may pananagutan); at
- People’s participation (partisipasyon ng mamamayan)
Kung di umiiral at wala ang isa man sa tatlong prinsipyo –
huwad ang sinasabi nilang good governance.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com
35. Reporma para sa Mabuting Pamamahala
5. Pulitika laban sa bureaucratic red-tape
Electronic Governance (e-Governance)
Sa pagsugpo ng bureaucratic red-tape kaugnay sa mga
transaksiyon ng mamamayan sa munisipyo at barangay,
nararapat ipatupad ang full computerization at
automation sa buong munisipyo at mga pangunahing
barangay, alinsunod sa pambansa at internasyunal na
pamantayan.
Sa ganitong sistema, ang mamamayan ng Malasiqui ay
maaaring gumawa ng transaksiyon ONLINE para kumuha at
mag-renew ng permit, rehistro, lisensiya sa negosyo at iba
pang serbisyo ng lokal na pamahalaan nang hindi na
kailangan pang kunin ang pirma ng iba’t-ibang otoridad.
Samantala, ipatutupad ang epektibong Citizen’s Charter para
sa mamamayang di pa makagamit ng kompyuter/online para
sa mabilis na proseso (3-5 minutes release) at serbisyo.
http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com