SlideShare a Scribd company logo
1 of 29
IPINASA NI: Avigail G. Maximo BSEFilipino
Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas
sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang
Pilipinong manlilimbag ng Sucesos Felices,
isang polyeto (newsletter) sa Maynila.
Natutuhan ni Pinpin ang sining ng
paglilimbag buhat sa mga prayle at mga
intsik ngunit di niya nailagay kung kailan
ang tiyak na petsa ng unang pagkakalimbag
nito at kung gaano kalimit ang paglabas
niyon.
Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing
mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La
Naval laban sa mga Dutch sa Ternate.
Nagtagal ito hanggang 1809.
Isang Hojas Volantes or "flying
sheets" ang Aviso Al Publico
(Notices to the Public) na
lumitaw noong Pebrero 27, 1799.
Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng
isang malaking kwaderno .
Ito ay tungkol sa kampanya laban sa
mga Moslem at pagkabihag ng mga
pirata sa Sulu nang mga hukbong
Kastila sa pangunguna ni Jose
Gomez.
Disyembre 1, 1846 ay
kinikilalang unang pahayagang
pang-araw-araw maliban lamang sa
araw ng lunes ang La Esperanza
sa patnugot nina Felipe Lacorte
at Evarisco Calderon.
Malaking bahagi nito ay mga
talakayang pampilosopiya,
panrelihiyon, at pangkasaysayan.
Tumagal ito ng tatlong taon at
nagbukas upang maging pangaraw-
araw na pahayagan.
Ang kauna-unahang pahayagan sa
Pilipinas na lumabas ng palagian sa
patnugot ni Governador-Heneral
Manuel Fernandez de Folgueras
noong Agosto 8, 1811.
Siya ang naging patnugot at naglathala
dito ng mga gawain ng Spanish Cortes,
pati digmaan ng Espanya at Pransya.
Dahil sa higpit ng sensura ng mga
Kastila hinggil sa mga lathalaing
nakasisira sa kanila, ang pahayagang ito
ay umiral lamang sa maikling panahon at
pagkatapos ng labinlimang labas ay
kusa nang namatay.
Sa patnugot ni
Felipe del Pan
at tumagal
hanggang 1852.
Nahinto na ang publikasyon noong 1849.
Ang El Isntructor Filipino y may lingguhang paglilimbag samantalang
araw-araw naman ang El Despertador na di naglaon ay nagsama’t
naging isa, subalit tumagal lamang ng ilang buwan at araw.
Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo.
Hindi man nakatala kung ito ay linguhan o arawan ang paglilimbag ngunit
ito ay nakapaglabas lamang ng ilang isyu at naglaho na.
Mula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at pinangalanang
Boletin Oficial de Filipinas.
Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na mailathala
ang kanilang patalastas nang hanggang anim na linya lamang.
Ito ay tumagal hanggang taong 1860.
Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses na
isyu kada buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860.
Mula sa dating Boletin de Oficial ay
muling nirebisa ang mga nilalaman ng
pahayagang ito at pinangalang
Gaceta de Manila.
Ilang opisyal ng pamahalaan ang
inobligang magsabskrayb dito ni
Gobernador Henral Blanco.
Naglalathala dito ng mga batas
militar para sa 8 lalawigan ng Luzon,
mga patalastas ang gobyerno, opisyal
na kautusan, mga court orders at iba
pang mahahalagang impormasyon.
Ito ay nanatili hanggang Agosto 8,
1895 limang araw bago tayo sakupin
ng mga Amerikano. Dahil sa ito’y
namayagpag ng 38 taon at
itinuturing na pinakamatagumpay na
pahayagan sa panahon ng mga Kastila.
Isang pahayagang pang-hapon
mula sa patnugot ni Ulpiano
Fernandez at kalunan ay
pinamunuan ni Gobernador
Heneral Soler y Ovejero.
Ito ang tinaguriang kauna-unahang relihiyosong pahayagan
mula sa patnugot ni Mariano Sevilla.
Una itong pinangalanan na Revista de Noticias y Anuncios noong
1861 na di kalaunan ay naging La Espafia Oceanica .
Pahayagang Kastila na minsay nasasamahan ng mga artikulong
Tagalog upang magbigay edukasyon sa mambabasa. Dalawang beses
sa loob ng isang buwan ito kung maglathala ngunit
di rin nagtagal at tuluyang nawala.
Ito ay pahayagang
nakatutok sa
mga sandatahang lakas
at di gaanong
binigyang interes
ng publiko kaya
tuluyan rin naglaho.
Labindalawang taon (1865-1877)
na nakipagsapalaran ang pahagayan
na ito na laging muntik-muntikanan
nang bumagsak dahil sa hindi
pagkakasundo ng mga patnugot.
Naging babasahin ito ng mga
mambabasang tumututok sa
linguhang bull fighting na
pinangungunahan ni Lorenzo
Sanchez (isang bantog na toreador)
na nagsimula noong June 10, 1871.
Isang linguhang pahayagang
pang-komersyo na
pinangunahan ni Joaquin
de Loyzaga na di kalaunan
ay nakipagsanib sa El
Commercio bilang
kontributor.
Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang ito
na kung saan lahat ng patnugot at mga kontributor ay
pawang empleyado ng pamahalaan.
Sa kanila rin nakapokus ang interes ng mga artikulo ngunit
tumagal lamang ng ilang buwan.
Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1, 1868 at
naging huli na noong Oktubre 11, 1869.
Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni Joaquin de
Loyzaga at Francisco Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalan
(El Comercio) ng pahayagang unang lumabas noong 1858.
Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El
Comercio ang may pinakamatatag at episyenteng naglathala ng pahayagan
sa buong kalupaan sa loob ng 56 taon (1858-1925) nang may parehong
pangalan.
Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong panahon ng Kastila
na binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang unang
patnugot nito at si Joaquin de Loyzaga at nang pumanaw siya, si Francisco
Diaz Puertas ang pumalit. Nang siya ay pumanaw na rin ay si Jose de
Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang naging patnugot.
Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo.
Linguhang pahayagan na naglalathala
ng mga kaalamang may kaugnayan sa
agham at mga literaryong gawain.
Linguhang pahayagan na
naglalathala ng ibat’ibang
mga rebyu at ilustrasyon.
Pumalit sa El Povenir at
nagpatuloy hanggang 1899.
Nabuo ilang buwan matapos
maganap ang Treaty of Paris
Naglathala ng linguhan at di naglaon ay naging dalawang beses sa loob ng
isang buwan na may huling isyu noong Disyembre 1881.
Tumagal lamang ng anim na buwan.
Naglathala ng linguhan ngunit
sandaling panahon lamang.
Naglathala ng dalawang beses sa
loob ng isang linggo ngunit
panandalian lamang din.
Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsyo
buwan-buwan na tumagal hanggang 1899.
Mga pahayagang nagsara rin matapos ng labindalawang isyu dahil sa
kakulangan ng interes nang mga tao sa Sining at Agham.
Naglathala lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang
kanilang paghinto at mga pananalitang "Here we have another
demonstration of how few people in the Philippines read"
Ikaapat na pahayagang
lumabas sa taong 1882 na may
islogang "It is possible to
love the Philippines without
hating Spain and to love
Spain without hating the
Philippines.“ Ito’y tumagal
lamang ng limang buwan
at sinasabing hindi ito
nakahimok ng malaking
bagahdan ng tagapagtangkilik
sa nasabing ideya ng islogan.
Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez Rubio.
Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa
mga hustisya at kapayapaan. Ipinasara ito ng Gobernador Heneral noong 1888
dahil umano sa kawalan ng lisensya sa pamahalaan Matapos ang ilang taong
pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893 sa pangalang
ngunit di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng pahayagan.
Unang pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila
ngunit nahinto rin sa parehong taon.
Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay na
“Larra”. Dahil sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan,
ito’y nagdulot ng kaguluhan at may dalawampung linggo bago tuluyang isinara.
Itinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang pahayang
ito na nagsisiwalat ng ibat’ibang katiwalian na naging dahilan upang magkaroon
siya ng maraming kaaway. Noong 1886 ay itinayo rin nya ang El Eco de Panay na
nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng mga Amerikano noong 1899.
Itinayo sa pinakamantandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo Jimenez,
kapatid ni Diego Jimenez, ang lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal
hanggang sa panahong bago masakop ng Amerikano ang bansa.
Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886.
-Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre 1886.
Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensya ng pamumuno
ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging liberal sa pamamahala.
Pahayagang naglalathala ng hayagang
pagsalungat sa mga prayle ,
pagpapaalis sa arsobispo at paghingi
ng reporma sa pamumuno ni Benito
Quiroga na sinundan ni Jesus
Polanco na tumagal hanggang 1889.
Ito ay muling binuhay noong
1890 sa pangalang
Binuo noong ika-4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng
La Opinion sa patnugot ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si
Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa. Noong 1892
pinangalanan itong sa pamumuno nina Federico at
Antonio Hidalgo at may islogan na "The Philippines by Spain and for Spain“.
Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe na
di kalaunan ay naging dalawang beses na lamang na isyu sa loob
ng isang buwan hanggang 1896.
Pahayagang pang-relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong
Setyembre 1888 na may halong mga anunsyong sibil. 1896 ang huling isyu.
Nabuo rin noong Marso 1888 ngunit di rin nagtagal.
Ibinenta at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimo ngunit
umiral lamang ito ng tatlong buwan.
Itinayo ng kumpnyang The Manila Chamber of Commerce na nagpatuloy
hanggang sa panahon ng mga Amerikano hanggang sa tuluyang mawala .
Sinimulang ng Mayo 1889 at
nagpatuloy hanggang 1896.
Sinimulan ni Isabelo delos Reyes noong Hunyo
1889 bilang neytib na pahayagan ng mga
Ilocano na may halong wikang Espanyol.
Dalawang beses kada-buwan maglabas ng isyu.
Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay
papuri sa mga Espanyol ukol sa nagawa nila sa bansa gaya ng tungkol sa
relihiyon, edukasyon at kung anu-ano pang ikinabuti nang buong sambayanan
dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at nadaig nito ang La Opinion.
Binuo noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang
abogadong Espanyol na naglathala ng mga sulatin sa sining , agham at sosyal
na interes. Dalawang isyu kada buwan ang paglathala na umiral hanggang
ika-30 ng Hunyo 1890.
Unang lumabas noong ika-27 ng Hulyo 1889.
Unang lumabas noong
ika-15 ng Pebrero, 1889
sa Madrid Spain na
ginastusan ni Dr. Pablo
Riazares mula sa patnugot
ni Graciano Lopez Jaena.
Ika-21 ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin
nagtagal sa industriya tulad rin ng nangyari sa El Papelito Mercantil.
Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni
Pascual H. Poblete, ngunit di rin nagtagal.
Ika-5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwan lamang
tumagal.
Ika-10 ng Hunyo, 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika.
Ika-3 ng Agosto, 1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre..
Ika-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa patnugot ni Vicente Garcia
Valdez. Ito ay inilathala sa luntiang papel na may mga ilustrasyon at paalaala
upang maglibang ng mga mambabasa at makalimot sa kanilang mga problema.
Ika-6 ng Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu patungkol sa
mga kabataan ng bansa. Huling lathala ay noong ika- 12 ng Marso, 1891.
Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo
delos Reyes na naglabas lamang ng ilang isyu.
-Pahayagang laan para sa mga kababaihan.
Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu.
Bukod sa na muling naglathala,
may mga bagong pamahayagan din ang umusbong tulad ng
El Ejercito de Filipinas, El Consultor del
Profesorado, Madrid-Manila, Toda en Broma,
El Foro Administrativo, La Pavera,Periodico Festivo,
La Puya (naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas) , Los Miercoles
(naglathala ng isang isyu lamang) , Revista Mercantil de
Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the
Boletin de la Companiia de Explotacion y
Colonizacion de La Isla de Paragua.
Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo
Militar, sumunod ay lingguhng pahayagang tinawag na El Ejercito de
Filipinas. Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola
El Consultor de Municipios, Manalilla-Sport (buwanan),
La Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas ng isyu at ukol sa
pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino (patnugot-
Isabelo de los Reyes) at Apostolado de La Prensa.(itinayo ng mga
prayle para sa mga pangrelihiyong gawainsa wikang Tagalog) El Album
Militar (itinayo ng sundalong opisyal). El Cinfe and Sorpresas-
Chicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na
taon. El Espafiol na naglathala hanggang 1898.
Boletin del MuseoBiblioteca sa patnugot ni Pedro A. Paterno na
bumalik mula Espanya. Boletin Oficial del Ministerio Filipino,
na nakatuon sa edukasyon at mga propesyon ang nilalaman. La
Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida
Industrial de Filipinas na itinayo ni Jose Martin Martinez
Kauna-unahang rebolusyonaryong
pahayagan ng Kataastaasang Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng
Enero, 1896 Naglalayon itong ipahayag
sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng
mga prayle at mga kastilang opisyal
upng makapag-organisa ng isang
rebolusyon. Nakalathala rin sa mga
artikulo ng pahayagan ang ilang
ebedensya upang makahikayat
nang mambabasa. Itinuturing itong isa
sa pinakamahalagang pahayagan sa
Kasaysaynng Pilipinas.
Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de
Estadistica de la Ciudad de Manila sa patnugot ni Padre
Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na publikasyon at nagtagal
hanggang 1902 na di kalaunan ay naging wikang Ingles ang ginamit, El
Correo, El Cosmopolita na naglathala ng dalawang kopya kada
buwan sa loob ng anim sa buwan lamang at El Noticiero de Manila
bilang pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical, itinayo naman ng
mga paring Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang
Pliegong Tagalog na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya ay
marapat lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa
wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.
Ang La Independencia ay itinayo
ni Henenal Antonio Luna sa tulong
ng kanyang kapatid na si Joaquin
noong September 3, 1898 . Isa ito
sa pinaka-importanteng pahayagan
sa panahon ng rebolusyon.
Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na
itinayo noong ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente Jose Zulueta.
The Newspaper La Republica Filipina na itinayo sa
Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni
Pedro A. Paterno at di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan
noong 1901 ng sumulat si General Douglas Mac Arthur bilang
Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito.
Ika-29 ng Setyembre 1898
- inilathala sa Malolos
Bulacan sa unang
pagkakataon ang El Heraldo
de la Revolicion Filipina.
Ito ay naging opisyal na
publikasyong pahayagan sa
panahong may rebolusyon
sina Heneral Emilio
Aguinaldo.
Ika-29 ng Disyembre 1898 - inilathala sa Jaro
Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga
karapatan ng Pilipino.
Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa,
Batngas. Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga
sandathang lakas. Ito ay binuo ng mga propesyunal na nabibilang sa
samahang Club Democratico Independiente.
Noong Nobyembre 18, 1899 - ang mga pahayagang ,
Filipinas Ante Europa at El Defensor de Filipinas,
ay inilathala sa Barcelona Espanya sa patnugot ni Isabelo de los Reyes.
Inilathala rin ang kauna-unahang
pahayagang Amerikano kung saan
inihahayag ang pagkapanalo ni
Heneral Dewey at pagsaugpo niya
sa pwersang Amerikano sa Manila
Bay. Ito binubuo ng apat na pahina
at may habang labindalawang
pulgada at walong pulgada na lapad.
Mabibili ito sa halagang 25
sentimong ginto kada sipi at ito’y
naglatha at gumawa ng maraming
kopya bilang alaala na rin sa
nasabing tagumpay.
Ang unang pangaraw-araw na
pahayagan sa panahong mga
Amerikano na ang namamahala sa
bansa. Una itong isinaayos noong
ika-11 ng Oktubre 1898 ngunit
1899 na maging istablisado sa
patnugot ni Thomas Cowan at
negosyanteng si George Sellner.
EL GRITO DEL PUEBLO
(Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni
Pascual Poblete noong 1900
EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang)
itinatag ni Rafael Palma noong 1900
Isa rin sa mga
pangaraw-araw na
pahayagan noong 1900
na tinatangkilik natin
magpahanggang ngayon.
Kahulugan nito’y ANG BAGONG ARAW na
itinatag rin ni Sergio Osmeña noong 1900.
Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang
The Daily Tribune, Manila Bulletin at Daily Herald.
Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia-Tribune at
DMHM o bilang Debate-Mabuhay-Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy
na pagusbong na rin ng Magasin at Komiks na Liwayway na lumutang bago pa
man manakop ang mga Hapon sa bansa.
Lumabas ang Magasin na
Yank, Daily Pacifican,
The Stars and Stripes
at pinaikling edisyon ng
Times at Newsweek.
• Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong
Abril 1946. Ang natalong dating pangulo ng
Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag
ng Morning sun.
•Nagtatag naman si Mauel Roxas ng Daily News
at Balita bilang pahayagan ng partidong Liberal
•Ang Manila Times na dating lingguhan ang
paglathala ay naging tabloid noong ika-27 ng
Mayo, 1945.
•Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang
The Times.
•Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga
pahayagang pangaraw-araw sa wikang Ingles
tulad ng Business World, Malaya, Manila
Bulletin, Manila Standard Today, Philippine
Daily Inquirer, Philippine Star, The Daily
Tribune at Manila Times.
•Gayundin ang mga tabloid na abot-kaya ng masa
tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s
Journal, People’s Taliba, Tempo, Pilipino Star
Ngayon at Saksi Ngayon.
Ang Pagsisimula ng College Editors
Guild of the Philippines (1931-1945)
Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag.
Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi,
mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang kaulayaw ng paningi't
pandinig ng mga mamamayan.
Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay,
mapaindibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong
makapagbigay ng impormasyon, makapang-impluwensya ng pananaw o
makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang demokratikong
karapatan ang makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng
mamamayan.
Ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na
pangunahing institusyong nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag
pangkampus. Sa loob ng mahabang pitumpu't limang taon, nagkaroon ng
mahalagang papel ang organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng
kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino.
Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna ng mga
pampulitika at panlipunang isyu sa panahon ng pananako
p ng Estados Unidos noong 1931, ang mabilis na pag-unlad bilang isang
organisasyon, hanggang sa pagsasara nito noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines
(CEGP), mahalagang balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng insipirasyon at
aral. Ang paggunita sa nakaraan ay pagtingin din nang pagsulong.
Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931, mismong
kaarawan ni Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National, publikasyon ng
National University. Kabilang ang mga pahayagang pangkampus Philippine Collegian
(UP Diliman), Varsitarian (University of Santo Tomas) at Guidon (Ateneo de Manila
University), layunin nitong pagkaisahin ang lahat ng manunulat pangkampus at
linangin ang kanilang kakayahan sa pamamahayag. Nahalal na unang tagapangulo si
Wenceslao Vinzons, punong patnugot ng Philippine Collegian.
Tradisyonal na organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa
mga patnugutan ng mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism trainings,
intercollegiate pageants, relief operations sa mga nasalanta ng kalamidad.
Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang
potensyal na papel nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni
Rodriquez at Vinzons, tinutulan ng mga kabataang manunulat ang panukalang
dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang kapulungan. Mabilis na
lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito bilang isa sa mga pinakaprestihiyosong
organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng mga kabataang nagnanais
makilala sa larangan ng politika at pamamahayag.
Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng
Ikalawang Gyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at namatay na
bayani. Nanumbalik ang CEGP pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa
ng Guild sa mga mamamahayag sa mainstream media. Sinuportahan ng manunulat
pangkampus ang strike ng mga empleyado ng Evening News bilang protesta sa
pagpapatalsik kay Cipriano Cid at panawagang kilalanin ang Philippine Newspapers
Guild.
Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang naging impluwensya ng
makabayang ideya ni Claro M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng dekada
sisenta, bunsod ng matinding krisis pampolitika at pang-ekonomiya sa panahon ni
Marcos at ng lumalakas na kilusang kabataang estrudyante, nagkaroon ng malaking
puwang ang progresibong ideya sa loob ng organisasyon.Hindi naging banayad ang
transpormasyon ng CEGP mula sa isang tradisyonal na organisasyon patungo sa
pagiging progresibo. Sa katunayan, naging maigting ang pagtatalo sa hanay ng
kasapian. “Mananatili bang nyutral ang pamamahayag pangkampus sa panahon ng
maigting na paglaban ng mamamayan? Mananatili bang tagapagtala na lamang ng
kasaysayan ang mga manunulat o kailangan nang pumanig at makilahok? Ano ang
papel ng kabataang mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungang ito uminog ang
debate. Naglathala rin ng mga rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong pang-
estudyante. Unang lumabas ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino sa Philippine
Collegian. Nagre-reprint ng mga artikulo mula sa Ang Bayan, opisyal na pahayagan ng
Partido Komunista ng Pilipinas, ang The Bedan (San Beda College), Guidon, Philippine
Collegian, Ang Malaya, at iba pa.
Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng
Guild. Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus
ang lumahok ang nagpakilos sa mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng First
Quarter Storm. Hindi iilang Guilders ang naging kasapi ng Kabataang Makabayan.
Tumining ang papel ng pamamahayag pangkampus bilang alternatibong pamamahayag
para sa mamamayan. Sa panahon ng paghahari ng crony press, maraming publikasyong
pang-estudyante ang nagpapalaganap ng katotohanan sa labas ng kani-kanilang
pamantasan. Ang kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream
ay isiniwalat ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos na
mosquito press ang mga publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga sulatin ni Jose
Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary Olivar (lider ng Samahan ng Demokratikong
Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University), Weekly Carolinian (University of
San Carlos), Sambayanan (Western Institute of Technology), Quill (Southwestern
University) at marami pang iba. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang
pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang
pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at
militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan.
Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati
patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang
pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang
pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga
piketlayn at militarisasyon sa kanayunan.
Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at
pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng
mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan.
Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat
ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante,
nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños).
Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, nagsulputan
ang mga underground student publications sa buong bansa. Naging tangyag ang pasa-
bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga
publikasyong naka-mimeographed. Matapang na tinuligsa ng mga ito ang lagim ng
Batas Militar. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at
pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang
pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa
armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco
(Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.)
Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na
pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña
strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging
inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of
College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress.
Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa
buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National
Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.
Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa
hanay ng manunulat pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang
estudyante. Puspusang itinaguyod ang mga lehitimong kahilingan ng estudyante.
Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa
Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa
pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at
pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform
Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang
mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan
ang isinagot ng gobyerno.
Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante.
Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan
ng kabataan. Dumagundong ang tagumpay na ito sa buong kapuluuan. Napatunayang
sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga
makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Sa pagkakahalal ni Antonio
Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang
ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago,
mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa
isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod
ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na
mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa
giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos.
Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla
ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa
mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng
CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan.
Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang
halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang
estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP
Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito,
naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang
limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Maraming manunulat
pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina
Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami
ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila
sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros
(Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na
pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña
strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging
inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of
College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress.
Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa
buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National
Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.
Ang tagumpay ng ito ay bunga ng pag-oorganisa sa hanay ng manunulat pangkampus.
Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND)
at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang
kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga
mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang
Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at
lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga
estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.Ilang buwang walang pasok
dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang
isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Napatunayang sa
kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga
makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Mariin ding kinondena ng
CEGP ang mga atake sa kalayaan sa pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara ng
We Forum at pag-aresto sa mga mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng
Guild; ang pag-uusisa ng National Intelligence Board sa manunulat ng Women; ang
pagpapatalsik sa patnugot ng Tempo na si Recah Trinidad; mga kasong libelo laban
kay Domini Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto kay Tony Nieva ng Bulletin Today.
Matindi rin ang panunupil sa mga pahayagang pangkampus.. Binisita ng militar ang
tanggapan ng The Work ng Tarlac State College of Technology. Pinatalsik ang mga
patnugot ng Collegian ng Central Luzon State University sa rekomendasyon ng militar
na nakabase sa Nueva Ecija.
Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula
nang paslangin si Ninoy Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaduryang Marcos.
Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang bagong pangulo.
Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal burges. Pinuri ang Republic Act
7079 o Campus Journalism Act bilang “milestone in the history of the campus press.”
Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging epektibong instrumento
ang CJA ng mga kaaway ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga
pahayagang pangkampus. Matapos ilabas ang implementing guidelines, naipasara
ang Quezonian, White and Blue, Ang Pamantasan, Blue and Silver, at iba pa. Kung
susundin ang probisyong nagsasaad na hindi mandatory ang pangongolekta ng
publication fee, maipapasara ang halos lahat ng publikasyon kung nanaisin ng
administrasyon ng mga pamantasan.
Nakaligtaan ng CEGP ang mga aral ng DRM. Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang
demokratikong karapatan. Iginigiit ito at ipinaglalaban, hindi ikinukupot sa batas.
Iwinasto ang kamaliang ito sa 1996 National Council Meeting. Dito rin nabuo ang
tatlong makatwirang panawagan ng CEGP: (1) Buksan ang lahat ng nakasaradong
pahayagan; (2) Magtatag ng mga publikasyon sa mga pamantasan; at (3) Wakasan
ang lahat ng porma ng panunupil sa kalayaan sa pamamahayag. Bukod sa CJA of
1991, may isa pang malubhang pagkakamali ang CEGP noong 1991. mula sa
patriotiko at demokratikong oryentasyon ng Guild, binago ito sa pagiging Activist
Campus Press. Ang ACP raw ay tinipong mga konsepto at oryentasyon – responsible
journalism, radical campus press, alternative campus press, committed campus
press.
Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang
kanyang sarili bago ito makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Ipinagkamali nitong
maaaring makamtan ang tunay at ganap na kalayaan sa konteksto ng bulok na
sisteman panlipunan. Paglaon nakitang mali ang mismong paghahanap ng bagong
oryentasyon. Nasagot na ang mga batayang tanong hinggil sa tamang ugnayan ng
pamamahayag pangkampus sa lipunan noon pa lamang 1970.
Nang mailatag nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din
naman ang naging pagwawasto ng Guild. Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng aspeto.
Sa ilalim ng gobyerno ni Ramos, aktibo ang CEGP sa paglahok sa mga isyu ng
mamamayan. Tinugunan nito mula pagtaas ng matrikula hanggang pagtaas ng presyo
ng langis, hanggang dikta ng IMF-Work Bank sa patakarang pang-ekonomiya ng
Pilipinas. Samakatuwid, muli nitong isinabuhay ang patriyotiko at demokratikong
oryentasyon.
Ang pinakahuling matagumpay na kampayang sinuong ng Guild ay ang
pagpapatalsik sa korap, kontra-mamamayan at kaaway ng kalayaan sa pamamahayag
na si Joseph Estrada. Isa ang CEGP sa mga unang progresibong organisasyong
nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada.
Sa tagal nang itinagal ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng marami.
Nananatili itong isa sa mga pinakamalawak at pinakamatatag na organisasyon ng
kabataan sa bansa. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito natitinag dahil sa
pagyakap nito sa patriyotiko at demokratikong interes ng kabataan at mamamayan.
Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka ng mamamayan sapagkat paglilingkod ang
nasa ubod ng nakaraan at kasalukuyan ng CEGP.
http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/ACR6448.0001.001?rgn=main;view=fulltext
http://newspaper.philippinecentral.com/
http://cegpst.wordpress.com/about-the-guild/history/
https://www.google.com.ph/search?q=Yank+Philippines&tbm=isch&ei=KavZU6iZHpSMuATWy4CoAg#q=guerill
a+newspaper&tbm=isch&imgdii=_
https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/mms-100-final-project-topic-2-old-news-new-news/home-page-
1/Newspaper-in-the-Philippines/History-of-newspaper-in-the-Philippines
http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=view&path%5B%5D=62

More Related Content

What's hot

Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusLex Rivas
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysayAlLen SeRe
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoKriza Erin Babor
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganTine Bernadez
 
KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINASKASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINASJaimeSaludario
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Elvira Regidor
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Haponesmenchu lacsamana
 
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wikaMga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wikaMaJanellaTalucod
 
Kasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksKasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksJeff Austria
 
Ang linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guroAng linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guroRosalynDelaCruz5
 

What's hot (20)

Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinasKasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
 
Tabloid
TabloidTabloid
Tabloid
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nito
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayagan
 
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKALTEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
 
KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINASKASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
KASAYSAYAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Hapones
 
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wikaMga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
Mga estratehiya ginagamit sa pagtuturo ng wika
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Kontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong PanitikanKontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong Panitikan
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Kasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksKasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng Komiks
 
Ang linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guroAng linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guro
 

Similar to Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

MGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDF
MGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDFMGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDF
MGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDFBaguioMicahDanielle
 
Panahon ng pagbabago
Panahon ng pagbabagoPanahon ng pagbabago
Panahon ng pagbabagoKing Ayapana
 
Ang Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaAng Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaMavict De Leon
 
Bayani ng Pilipinas
Bayani ng PilipinasBayani ng Pilipinas
Bayani ng PilipinasGhail Bas
 
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxKasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxtuazonlyka56
 
Panahon ng hapones
Panahon ng haponesPanahon ng hapones
Panahon ng haponesKing Ayapana
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxAprilLumagbas
 
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptxGrade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptxssuser7b7c5d
 
Ustare, rosita
Ustare, rositaUstare, rosita
Ustare, rositarhoselent
 
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainModyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainARF Feliciano
 
El Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxEl Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxananesequiel
 

Similar to Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas (20)

MGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDF
MGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDFMGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDF
MGA TAON SA PANLIMBAGANG PAMAMAHAYAG.PDF
 
FINAL REVISE PPT IN FM 113.pptx
FINAL REVISE PPT IN FM 113.pptxFINAL REVISE PPT IN FM 113.pptx
FINAL REVISE PPT IN FM 113.pptx
 
Pamahayagan sa pilipinas
Pamahayagan sa pilipinasPamahayagan sa pilipinas
Pamahayagan sa pilipinas
 
Panahon ng pagbabago
Panahon ng pagbabagoPanahon ng pagbabago
Panahon ng pagbabago
 
Pamamahayag report ko
Pamamahayag   report koPamamahayag   report ko
Pamamahayag report ko
 
Ang Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaAng Kilusang Propaganda
Ang Kilusang Propaganda
 
Proyekto sa filipino 2
Proyekto sa filipino 2Proyekto sa filipino 2
Proyekto sa filipino 2
 
Bayani ng Pilipinas
Bayani ng PilipinasBayani ng Pilipinas
Bayani ng Pilipinas
 
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxKasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
 
Panahon ng hapones
Panahon ng haponesPanahon ng hapones
Panahon ng hapones
 
Filipino-Group 5
Filipino-Group 5Filipino-Group 5
Filipino-Group 5
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
 
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptxGrade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
 
Ustare, rosita
Ustare, rositaUstare, rosita
Ustare, rosita
 
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainModyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
 
El Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxEl Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptx
 
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizalmga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
 
Jesper aki.....
Jesper aki.....Jesper aki.....
Jesper aki.....
 
Mga bayani
Mga bayaniMga bayani
Mga bayani
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 

More from Avigail Gabaleo Maximo (20)

Response to Letter of St. La Salle
Response to Letter of St. La SalleResponse to Letter of St. La Salle
Response to Letter of St. La Salle
 
La Sallian Reflection
La Sallian Reflection La Sallian Reflection
La Sallian Reflection
 
DLSAU Meditation (page 383)
DLSAU Meditation  (page 383)DLSAU Meditation  (page 383)
DLSAU Meditation (page 383)
 
ESP 10 MODULE 15
ESP 10 MODULE 15ESP 10 MODULE 15
ESP 10 MODULE 15
 
ESP 10 Modyul 15
ESP 10 Modyul 15 ESP 10 Modyul 15
ESP 10 Modyul 15
 
Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)
Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)
Pagpapatiwakal (ESP Grade 10)
 
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
Pagbuo ng Sekswalidad (ESP Grade 10)
 
Pornograpiya (ESP Grade 10)
Pornograpiya (ESP Grade 10)Pornograpiya (ESP Grade 10)
Pornograpiya (ESP Grade 10)
 
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
Pre-Marital Sex (ESP Grade 10)
 
Kaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa PagsasalinKaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa Pagsasalin
 
ESP Grade 10 Module 10
ESP Grade 10 Module 10ESP Grade 10 Module 10
ESP Grade 10 Module 10
 
ESP Grade 10 Module 3
ESP Grade 10 Module 3ESP Grade 10 Module 3
ESP Grade 10 Module 3
 
ESP Grade 10 Module 2
ESP Grade 10 Module 2ESP Grade 10 Module 2
ESP Grade 10 Module 2
 
ESP Grade 9 Modyul 6
ESP Grade 9 Modyul 6ESP Grade 9 Modyul 6
ESP Grade 9 Modyul 6
 
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)
ESP 9 Modyul 5 (Primer for Kids)
 
ESP Grade 9 Modyul 11
ESP Grade 9 Modyul 11ESP Grade 9 Modyul 11
ESP Grade 9 Modyul 11
 
ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12
 
Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10Grade 10 ESP MODULE 10
Grade 10 ESP MODULE 10
 
Grade 10 ESP MODULE 3
Grade 10 ESP MODULE 3Grade 10 ESP MODULE 3
Grade 10 ESP MODULE 3
 
Grade 10 ESP MODULE 2
Grade 10 ESP MODULE 2Grade 10 ESP MODULE 2
Grade 10 ESP MODULE 2
 

Recently uploaded

AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxSundieGraceBataan
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfcompwatch556
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................LovelyPerladoRodrinR
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxMelanieDionisio3
 

Recently uploaded (20)

AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptxdigmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
digmaan. unang digmaang pandaigdig grade 8pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
Kabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdfKabanata 11---------------------------.pdf
Kabanata 11---------------------------.pdf
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
 

Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas

  • 1. IPINASA NI: Avigail G. Maximo BSEFilipino
  • 2. Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang Pilipinong manlilimbag ng Sucesos Felices, isang polyeto (newsletter) sa Maynila. Natutuhan ni Pinpin ang sining ng paglilimbag buhat sa mga prayle at mga intsik ngunit di niya nailagay kung kailan ang tiyak na petsa ng unang pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit ang paglabas niyon. Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La Naval laban sa mga Dutch sa Ternate. Nagtagal ito hanggang 1809. Isang Hojas Volantes or "flying sheets" ang Aviso Al Publico (Notices to the Public) na lumitaw noong Pebrero 27, 1799. Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng isang malaking kwaderno . Ito ay tungkol sa kampanya laban sa mga Moslem at pagkabihag ng mga pirata sa Sulu nang mga hukbong Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.
  • 3. Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw maliban lamang sa araw ng lunes ang La Esperanza sa patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco Calderon. Malaking bahagi nito ay mga talakayang pampilosopiya, panrelihiyon, at pangkasaysayan. Tumagal ito ng tatlong taon at nagbukas upang maging pangaraw- araw na pahayagan. Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas ng palagian sa patnugot ni Governador-Heneral Manuel Fernandez de Folgueras noong Agosto 8, 1811. Siya ang naging patnugot at naglathala dito ng mga gawain ng Spanish Cortes, pati digmaan ng Espanya at Pransya. Dahil sa higpit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa kanila, ang pahayagang ito ay umiral lamang sa maikling panahon at pagkatapos ng labinlimang labas ay kusa nang namatay.
  • 4. Sa patnugot ni Felipe del Pan at tumagal hanggang 1852. Nahinto na ang publikasyon noong 1849. Ang El Isntructor Filipino y may lingguhang paglilimbag samantalang araw-araw naman ang El Despertador na di naglaon ay nagsama’t naging isa, subalit tumagal lamang ng ilang buwan at araw. Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo. Hindi man nakatala kung ito ay linguhan o arawan ang paglilimbag ngunit ito ay nakapaglabas lamang ng ilang isyu at naglaho na. Mula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at pinangalanang Boletin Oficial de Filipinas. Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na mailathala ang kanilang patalastas nang hanggang anim na linya lamang. Ito ay tumagal hanggang taong 1860.
  • 5. Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses na isyu kada buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860. Mula sa dating Boletin de Oficial ay muling nirebisa ang mga nilalaman ng pahayagang ito at pinangalang Gaceta de Manila. Ilang opisyal ng pamahalaan ang inobligang magsabskrayb dito ni Gobernador Henral Blanco. Naglalathala dito ng mga batas militar para sa 8 lalawigan ng Luzon, mga patalastas ang gobyerno, opisyal na kautusan, mga court orders at iba pang mahahalagang impormasyon. Ito ay nanatili hanggang Agosto 8, 1895 limang araw bago tayo sakupin ng mga Amerikano. Dahil sa ito’y namayagpag ng 38 taon at itinuturing na pinakamatagumpay na pahayagan sa panahon ng mga Kastila. Isang pahayagang pang-hapon mula sa patnugot ni Ulpiano Fernandez at kalunan ay pinamunuan ni Gobernador Heneral Soler y Ovejero.
  • 6. Ito ang tinaguriang kauna-unahang relihiyosong pahayagan mula sa patnugot ni Mariano Sevilla. Una itong pinangalanan na Revista de Noticias y Anuncios noong 1861 na di kalaunan ay naging La Espafia Oceanica . Pahayagang Kastila na minsay nasasamahan ng mga artikulong Tagalog upang magbigay edukasyon sa mambabasa. Dalawang beses sa loob ng isang buwan ito kung maglathala ngunit di rin nagtagal at tuluyang nawala. Ito ay pahayagang nakatutok sa mga sandatahang lakas at di gaanong binigyang interes ng publiko kaya tuluyan rin naglaho.
  • 7. Labindalawang taon (1865-1877) na nakipagsapalaran ang pahagayan na ito na laging muntik-muntikanan nang bumagsak dahil sa hindi pagkakasundo ng mga patnugot. Naging babasahin ito ng mga mambabasang tumututok sa linguhang bull fighting na pinangungunahan ni Lorenzo Sanchez (isang bantog na toreador) na nagsimula noong June 10, 1871. Isang linguhang pahayagang pang-komersyo na pinangunahan ni Joaquin de Loyzaga na di kalaunan ay nakipagsanib sa El Commercio bilang kontributor.
  • 8. Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang ito na kung saan lahat ng patnugot at mga kontributor ay pawang empleyado ng pamahalaan. Sa kanila rin nakapokus ang interes ng mga artikulo ngunit tumagal lamang ng ilang buwan. Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1, 1868 at naging huli na noong Oktubre 11, 1869. Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni Joaquin de Loyzaga at Francisco Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalan (El Comercio) ng pahayagang unang lumabas noong 1858. Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El Comercio ang may pinakamatatag at episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong kalupaan sa loob ng 56 taon (1858-1925) nang may parehong pangalan. Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong panahon ng Kastila na binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang unang patnugot nito at si Joaquin de Loyzaga at nang pumanaw siya, si Francisco Diaz Puertas ang pumalit. Nang siya ay pumanaw na rin ay si Jose de Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang naging patnugot. Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo. Linguhang pahayagan na naglalathala ng mga kaalamang may kaugnayan sa agham at mga literaryong gawain. Linguhang pahayagan na naglalathala ng ibat’ibang mga rebyu at ilustrasyon.
  • 9. Pumalit sa El Povenir at nagpatuloy hanggang 1899. Nabuo ilang buwan matapos maganap ang Treaty of Paris Naglathala ng linguhan at di naglaon ay naging dalawang beses sa loob ng isang buwan na may huling isyu noong Disyembre 1881. Tumagal lamang ng anim na buwan. Naglathala ng linguhan ngunit sandaling panahon lamang. Naglathala ng dalawang beses sa loob ng isang linggo ngunit panandalian lamang din. Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsyo buwan-buwan na tumagal hanggang 1899. Mga pahayagang nagsara rin matapos ng labindalawang isyu dahil sa kakulangan ng interes nang mga tao sa Sining at Agham. Naglathala lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang kanilang paghinto at mga pananalitang "Here we have another demonstration of how few people in the Philippines read"
  • 10. Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may islogang "It is possible to love the Philippines without hating Spain and to love Spain without hating the Philippines.“ Ito’y tumagal lamang ng limang buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking bagahdan ng tagapagtangkilik sa nasabing ideya ng islogan. Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez Rubio. Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa mga hustisya at kapayapaan. Ipinasara ito ng Gobernador Heneral noong 1888 dahil umano sa kawalan ng lisensya sa pamahalaan Matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893 sa pangalang ngunit di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng pahayagan. Unang pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila ngunit nahinto rin sa parehong taon. Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay na “Larra”. Dahil sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan, ito’y nagdulot ng kaguluhan at may dalawampung linggo bago tuluyang isinara. Itinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang pahayang ito na nagsisiwalat ng ibat’ibang katiwalian na naging dahilan upang magkaroon siya ng maraming kaaway. Noong 1886 ay itinayo rin nya ang El Eco de Panay na nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng mga Amerikano noong 1899.
  • 11. Itinayo sa pinakamantandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo Jimenez, kapatid ni Diego Jimenez, ang lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal hanggang sa panahong bago masakop ng Amerikano ang bansa. Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886. -Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre 1886. Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensya ng pamumuno ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging liberal sa pamamahala. Pahayagang naglalathala ng hayagang pagsalungat sa mga prayle , pagpapaalis sa arsobispo at paghingi ng reporma sa pamumuno ni Benito Quiroga na sinundan ni Jesus Polanco na tumagal hanggang 1889. Ito ay muling binuhay noong 1890 sa pangalang Binuo noong ika-4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng La Opinion sa patnugot ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa. Noong 1892 pinangalanan itong sa pamumuno nina Federico at Antonio Hidalgo at may islogan na "The Philippines by Spain and for Spain“.
  • 12. Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe na di kalaunan ay naging dalawang beses na lamang na isyu sa loob ng isang buwan hanggang 1896. Pahayagang pang-relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong Setyembre 1888 na may halong mga anunsyong sibil. 1896 ang huling isyu. Nabuo rin noong Marso 1888 ngunit di rin nagtagal. Ibinenta at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimo ngunit umiral lamang ito ng tatlong buwan. Itinayo ng kumpnyang The Manila Chamber of Commerce na nagpatuloy hanggang sa panahon ng mga Amerikano hanggang sa tuluyang mawala . Sinimulang ng Mayo 1889 at nagpatuloy hanggang 1896. Sinimulan ni Isabelo delos Reyes noong Hunyo 1889 bilang neytib na pahayagan ng mga Ilocano na may halong wikang Espanyol. Dalawang beses kada-buwan maglabas ng isyu. Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay papuri sa mga Espanyol ukol sa nagawa nila sa bansa gaya ng tungkol sa relihiyon, edukasyon at kung anu-ano pang ikinabuti nang buong sambayanan dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at nadaig nito ang La Opinion. Binuo noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang abogadong Espanyol na naglathala ng mga sulatin sa sining , agham at sosyal na interes. Dalawang isyu kada buwan ang paglathala na umiral hanggang ika-30 ng Hunyo 1890.
  • 13. Unang lumabas noong ika-27 ng Hulyo 1889. Unang lumabas noong ika-15 ng Pebrero, 1889 sa Madrid Spain na ginastusan ni Dr. Pablo Riazares mula sa patnugot ni Graciano Lopez Jaena. Ika-21 ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin nagtagal sa industriya tulad rin ng nangyari sa El Papelito Mercantil. Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni Pascual H. Poblete, ngunit di rin nagtagal. Ika-5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwan lamang tumagal. Ika-10 ng Hunyo, 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika. Ika-3 ng Agosto, 1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre.. Ika-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa patnugot ni Vicente Garcia Valdez. Ito ay inilathala sa luntiang papel na may mga ilustrasyon at paalaala upang maglibang ng mga mambabasa at makalimot sa kanilang mga problema. Ika-6 ng Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu patungkol sa mga kabataan ng bansa. Huling lathala ay noong ika- 12 ng Marso, 1891.
  • 14. Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos Reyes na naglabas lamang ng ilang isyu. -Pahayagang laan para sa mga kababaihan. Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu. Bukod sa na muling naglathala, may mga bagong pamahayagan din ang umusbong tulad ng El Ejercito de Filipinas, El Consultor del Profesorado, Madrid-Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La Pavera,Periodico Festivo, La Puya (naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas) , Los Miercoles (naglathala ng isang isyu lamang) , Revista Mercantil de Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the Boletin de la Companiia de Explotacion y Colonizacion de La Isla de Paragua. Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo Militar, sumunod ay lingguhng pahayagang tinawag na El Ejercito de Filipinas. Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola El Consultor de Municipios, Manalilla-Sport (buwanan), La Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas ng isyu at ukol sa pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino (patnugot- Isabelo de los Reyes) at Apostolado de La Prensa.(itinayo ng mga prayle para sa mga pangrelihiyong gawainsa wikang Tagalog) El Album Militar (itinayo ng sundalong opisyal). El Cinfe and Sorpresas- Chicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na taon. El Espafiol na naglathala hanggang 1898.
  • 15. Boletin del MuseoBiblioteca sa patnugot ni Pedro A. Paterno na bumalik mula Espanya. Boletin Oficial del Ministerio Filipino, na nakatuon sa edukasyon at mga propesyon ang nilalaman. La Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida Industrial de Filipinas na itinayo ni Jose Martin Martinez Kauna-unahang rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang Kagalang- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896 Naglalayon itong ipahayag sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng mga prayle at mga kastilang opisyal upng makapag-organisa ng isang rebolusyon. Nakalathala rin sa mga artikulo ng pahayagan ang ilang ebedensya upang makahikayat nang mambabasa. Itinuturing itong isa sa pinakamahalagang pahayagan sa Kasaysaynng Pilipinas. Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de Estadistica de la Ciudad de Manila sa patnugot ni Padre Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na publikasyon at nagtagal hanggang 1902 na di kalaunan ay naging wikang Ingles ang ginamit, El Correo, El Cosmopolita na naglathala ng dalawang kopya kada buwan sa loob ng anim sa buwan lamang at El Noticiero de Manila bilang pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical, itinayo naman ng mga paring Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang Pliegong Tagalog na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya ay marapat lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.
  • 16. Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong ng kanyang kapatid na si Joaquin noong September 3, 1898 . Isa ito sa pinaka-importanteng pahayagan sa panahon ng rebolusyon. Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na itinayo noong ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente Jose Zulueta. The Newspaper La Republica Filipina na itinayo sa Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni Pedro A. Paterno at di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan noong 1901 ng sumulat si General Douglas Mac Arthur bilang Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito. Ika-29 ng Setyembre 1898 - inilathala sa Malolos Bulacan sa unang pagkakataon ang El Heraldo de la Revolicion Filipina. Ito ay naging opisyal na publikasyong pahayagan sa panahong may rebolusyon sina Heneral Emilio Aguinaldo. Ika-29 ng Disyembre 1898 - inilathala sa Jaro Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga karapatan ng Pilipino.
  • 17. Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batngas. Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandathang lakas. Ito ay binuo ng mga propesyunal na nabibilang sa samahang Club Democratico Independiente. Noong Nobyembre 18, 1899 - ang mga pahayagang , Filipinas Ante Europa at El Defensor de Filipinas, ay inilathala sa Barcelona Espanya sa patnugot ni Isabelo de los Reyes. Inilathala rin ang kauna-unahang pahayagang Amerikano kung saan inihahayag ang pagkapanalo ni Heneral Dewey at pagsaugpo niya sa pwersang Amerikano sa Manila Bay. Ito binubuo ng apat na pahina at may habang labindalawang pulgada at walong pulgada na lapad. Mabibili ito sa halagang 25 sentimong ginto kada sipi at ito’y naglatha at gumawa ng maraming kopya bilang alaala na rin sa nasabing tagumpay. Ang unang pangaraw-araw na pahayagan sa panahong mga Amerikano na ang namamahala sa bansa. Una itong isinaayos noong ika-11 ng Oktubre 1898 ngunit 1899 na maging istablisado sa patnugot ni Thomas Cowan at negosyanteng si George Sellner.
  • 18. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900 EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900 Isa rin sa mga pangaraw-araw na pahayagan noong 1900 na tinatangkilik natin magpahanggang ngayon. Kahulugan nito’y ANG BAGONG ARAW na itinatag rin ni Sergio Osmeña noong 1900.
  • 19. Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang The Daily Tribune, Manila Bulletin at Daily Herald. Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia-Tribune at DMHM o bilang Debate-Mabuhay-Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy na pagusbong na rin ng Magasin at Komiks na Liwayway na lumutang bago pa man manakop ang mga Hapon sa bansa.
  • 20. Lumabas ang Magasin na Yank, Daily Pacifican, The Stars and Stripes at pinaikling edisyon ng Times at Newsweek.
  • 21.
  • 22. • Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 1946. Ang natalong dating pangulo ng Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag ng Morning sun. •Nagtatag naman si Mauel Roxas ng Daily News at Balita bilang pahayagan ng partidong Liberal •Ang Manila Times na dating lingguhan ang paglathala ay naging tabloid noong ika-27 ng Mayo, 1945. •Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang The Times. •Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga pahayagang pangaraw-araw sa wikang Ingles tulad ng Business World, Malaya, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, The Daily Tribune at Manila Times. •Gayundin ang mga tabloid na abot-kaya ng masa tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s Journal, People’s Taliba, Tempo, Pilipino Star Ngayon at Saksi Ngayon.
  • 23.
  • 24. Ang Pagsisimula ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1945) Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang kaulayaw ng paningi't pandinig ng mga mamamayan. Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay, mapaindibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay ng impormasyon, makapang-impluwensya ng pananaw o makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang demokratikong karapatan ang makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan. Ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na pangunahing institusyong nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag pangkampus. Sa loob ng mahabang pitumpu't limang taon, nagkaroon ng mahalagang papel ang organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino. Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna ng mga pampulitika at panlipunang isyu sa panahon ng pananako p ng Estados Unidos noong 1931, ang mabilis na pag-unlad bilang isang organisasyon, hanggang sa pagsasara nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  • 25. Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), mahalagang balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng insipirasyon at aral. Ang paggunita sa nakaraan ay pagtingin din nang pagsulong. Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931, mismong kaarawan ni Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National, publikasyon ng National University. Kabilang ang mga pahayagang pangkampus Philippine Collegian (UP Diliman), Varsitarian (University of Santo Tomas) at Guidon (Ateneo de Manila University), layunin nitong pagkaisahin ang lahat ng manunulat pangkampus at linangin ang kanilang kakayahan sa pamamahayag. Nahalal na unang tagapangulo si Wenceslao Vinzons, punong patnugot ng Philippine Collegian. Tradisyonal na organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa mga patnugutan ng mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism trainings, intercollegiate pageants, relief operations sa mga nasalanta ng kalamidad. Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang potensyal na papel nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni Rodriquez at Vinzons, tinutulan ng mga kabataang manunulat ang panukalang dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang kapulungan. Mabilis na lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito bilang isa sa mga pinakaprestihiyosong organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng mga kabataang nagnanais makilala sa larangan ng politika at pamamahayag. Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng Ikalawang Gyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at namatay na bayani. Nanumbalik ang CEGP pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa ng Guild sa mga mamamahayag sa mainstream media. Sinuportahan ng manunulat pangkampus ang strike ng mga empleyado ng Evening News bilang protesta sa pagpapatalsik kay Cipriano Cid at panawagang kilalanin ang Philippine Newspapers Guild. Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang naging impluwensya ng makabayang ideya ni Claro M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng dekada sisenta, bunsod ng matinding krisis pampolitika at pang-ekonomiya sa panahon ni Marcos at ng lumalakas na kilusang kabataang estrudyante, nagkaroon ng malaking puwang ang progresibong ideya sa loob ng organisasyon.Hindi naging banayad ang transpormasyon ng CEGP mula sa isang tradisyonal na organisasyon patungo sa pagiging progresibo. Sa katunayan, naging maigting ang pagtatalo sa hanay ng kasapian. “Mananatili bang nyutral ang pamamahayag pangkampus sa panahon ng maigting na paglaban ng mamamayan? Mananatili bang tagapagtala na lamang ng kasaysayan ang mga manunulat o kailangan nang pumanig at makilahok? Ano ang papel ng kabataang mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungang ito uminog ang debate. Naglathala rin ng mga rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong pang- estudyante. Unang lumabas ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino sa Philippine Collegian. Nagre-reprint ng mga artikulo mula sa Ang Bayan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang The Bedan (San Beda College), Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya, at iba pa.
  • 26. Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild. Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus ang lumahok ang nagpakilos sa mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang Guilders ang naging kasapi ng Kabataang Makabayan. Tumining ang papel ng pamamahayag pangkampus bilang alternatibong pamamahayag para sa mamamayan. Sa panahon ng paghahari ng crony press, maraming publikasyong pang-estudyante ang nagpapalaganap ng katotohanan sa labas ng kani-kanilang pamantasan. Ang kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream ay isiniwalat ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos na mosquito press ang mga publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga sulatin ni Jose Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary Olivar (lider ng Samahan ng Demokratikong Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University), Weekly Carolinian (University of San Carlos), Sambayanan (Western Institute of Technology), Quill (Southwestern University) at marami pang iba. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan. Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, nagsulputan ang mga underground student publications sa buong bansa. Naging tangyag ang pasa- bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Matapang na tinuligsa ng mga ito ang lagim ng Batas Militar. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.
  • 27. Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa hanay ng manunulat pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang estudyante. Puspusang itinaguyod ang mga lehitimong kahilingan ng estudyante. Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno. Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Dumagundong ang tagumpay na ito sa buong kapuluuan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan. Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981. Ang tagumpay ng ito ay bunga ng pag-oorganisa sa hanay ng manunulat pangkampus.
  • 28. Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno.Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Mariin ding kinondena ng CEGP ang mga atake sa kalayaan sa pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara ng We Forum at pag-aresto sa mga mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng Guild; ang pag-uusisa ng National Intelligence Board sa manunulat ng Women; ang pagpapatalsik sa patnugot ng Tempo na si Recah Trinidad; mga kasong libelo laban kay Domini Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto kay Tony Nieva ng Bulletin Today. Matindi rin ang panunupil sa mga pahayagang pangkampus.. Binisita ng militar ang tanggapan ng The Work ng Tarlac State College of Technology. Pinatalsik ang mga patnugot ng Collegian ng Central Luzon State University sa rekomendasyon ng militar na nakabase sa Nueva Ecija. Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula nang paslangin si Ninoy Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaduryang Marcos. Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang bagong pangulo. Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal burges. Pinuri ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act bilang “milestone in the history of the campus press.” Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging epektibong instrumento ang CJA ng mga kaaway ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga pahayagang pangkampus. Matapos ilabas ang implementing guidelines, naipasara ang Quezonian, White and Blue, Ang Pamantasan, Blue and Silver, at iba pa. Kung susundin ang probisyong nagsasaad na hindi mandatory ang pangongolekta ng publication fee, maipapasara ang halos lahat ng publikasyon kung nanaisin ng administrasyon ng mga pamantasan. Nakaligtaan ng CEGP ang mga aral ng DRM. Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang demokratikong karapatan. Iginigiit ito at ipinaglalaban, hindi ikinukupot sa batas. Iwinasto ang kamaliang ito sa 1996 National Council Meeting. Dito rin nabuo ang tatlong makatwirang panawagan ng CEGP: (1) Buksan ang lahat ng nakasaradong pahayagan; (2) Magtatag ng mga publikasyon sa mga pamantasan; at (3) Wakasan ang lahat ng porma ng panunupil sa kalayaan sa pamamahayag. Bukod sa CJA of 1991, may isa pang malubhang pagkakamali ang CEGP noong 1991. mula sa patriotiko at demokratikong oryentasyon ng Guild, binago ito sa pagiging Activist Campus Press. Ang ACP raw ay tinipong mga konsepto at oryentasyon – responsible journalism, radical campus press, alternative campus press, committed campus press.
  • 29. Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang kanyang sarili bago ito makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Ipinagkamali nitong maaaring makamtan ang tunay at ganap na kalayaan sa konteksto ng bulok na sisteman panlipunan. Paglaon nakitang mali ang mismong paghahanap ng bagong oryentasyon. Nasagot na ang mga batayang tanong hinggil sa tamang ugnayan ng pamamahayag pangkampus sa lipunan noon pa lamang 1970. Nang mailatag nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din naman ang naging pagwawasto ng Guild. Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng aspeto. Sa ilalim ng gobyerno ni Ramos, aktibo ang CEGP sa paglahok sa mga isyu ng mamamayan. Tinugunan nito mula pagtaas ng matrikula hanggang pagtaas ng presyo ng langis, hanggang dikta ng IMF-Work Bank sa patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas. Samakatuwid, muli nitong isinabuhay ang patriyotiko at demokratikong oryentasyon. Ang pinakahuling matagumpay na kampayang sinuong ng Guild ay ang pagpapatalsik sa korap, kontra-mamamayan at kaaway ng kalayaan sa pamamahayag na si Joseph Estrada. Isa ang CEGP sa mga unang progresibong organisasyong nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada. Sa tagal nang itinagal ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng marami. Nananatili itong isa sa mga pinakamalawak at pinakamatatag na organisasyon ng kabataan sa bansa. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito natitinag dahil sa pagyakap nito sa patriyotiko at demokratikong interes ng kabataan at mamamayan. Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka ng mamamayan sapagkat paglilingkod ang nasa ubod ng nakaraan at kasalukuyan ng CEGP. http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/ACR6448.0001.001?rgn=main;view=fulltext http://newspaper.philippinecentral.com/ http://cegpst.wordpress.com/about-the-guild/history/ https://www.google.com.ph/search?q=Yank+Philippines&tbm=isch&ei=KavZU6iZHpSMuATWy4CoAg#q=guerill a+newspaper&tbm=isch&imgdii=_ https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/mms-100-final-project-topic-2-old-news-new-news/home-page- 1/Newspaper-in-the-Philippines/History-of-newspaper-in-the-Philippines http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=view&path%5B%5D=62