SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  33
Aralin 1
Kultura ng Ating Lahi,
Ating Pahalagahan
Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan
Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang
nagbibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling pagkakakilanlan.
Nakikilala tayo bilang isang lahi sa pamamagitan ng ating pagkain,
pananamit, mga laro, kuwento, mga pambansang sagisag, kaugalian o
mga gawi. Paano pa maaaring makilala ang isang bansa?
Halina at ating tuklasin ang angking ganda at yaman ng ating kultura.
Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga
Espanyol ay may sarili nang sistema ng pagbasa at
pagsulat ang mga katutubong Pilipino? Kilala ito sa
tawag na baybayin.
Suriin natin ang tsart na ito: Ang Baybayin.
Ginagamit pa rin ang baybayin
ng ilang katutubong pangkat
tulad ng mga Hanunuo at Bujid.
Gayon din naman, maraming
Pilipino ang kinakikitaan ng
kawilihang pag-aralan ito at
gamitin. Nararapat lamang
sapagkat ito ay bahagi ng ating
kultura. Pinatutunayan nito na
ang mga Pilipino ay may
kabihasnang hindi nahuhuli sa
mga katabing bansa sa Asya
noong sinaunang panahon pa
man.
Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at
pagsulat na sinasabing umiral na sa Pilipinas bago pa
man dumating ang mga Espanyol? Saan ito isinusulat at
paano ito binabasa?
Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga
sinaunang Pilipino ng sariling baybayin?
Paano mo mapahahalagahan ang mga katutubong Pilipino
na may mayamang kultura noon pa mang sinaunang
panahon?
2. Magbaybayin Tayo: Subuking isulat ang
mga salita sa ibaba gamit ang baybayin.
Gamitin bilang gabay ang tsart. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
Katulong ang iyong katabing mag-aaral, buuin ang
web. Isulat sa maliliit na hugis bilog ang angkop na
halimbawa ng mga materyal na kulturang Pilipino.
Isulat lamang ang bilang ng halimbawa sa hugis
bilog. Idugtong ang maliliit na bilog sa
kinabibilangang malaking bilog. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing
2. aratilis 10. Tinikling
3. Pandango sa Ilaw 11. maruya
4. sungka 12. patintero
5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan
6. Cariňosa 14. Ibong Adarna
7. adobo 15. Anak
1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing
2. aratilis 10. Tinikling
3. Pandango sa Ilaw 11. maruya
4. sungka 12. patintero
5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan
6. Cariňosa 14. Ibong Adarna
7. adobo 15. Anak
sayaw
laro
Awit
Kuwento
Pagkain
Materyal na
Kultura
a.Ano ang ipinahihiwatig ng nabuong web
tungkol sa kulturang Pilipino?
b.Bilang mga Pilipino, bakit mahalagang
kilala natin ang ating kultura?
c.Paano mo mapahahalagahan ang ating
sariling kultura sa modernong panahon?
Pangatwiranan.
Kahon ng Pagpapahalaga
* Pananalig sa Diyos * Kabaitan
* Pagkamatapat * Kawanggawa o Charity
* Pagkamaalalahanin * Pagmamahal sa Pamily
* Pagmamahal o Pag-aaruga sa Anak
Gaano ang alam mo sa kulturang Pilipino? Halina at gawin ang
sumusunod.
Gawain 1
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang
natatanging pagpapahalaga sa kultura. Alam mo ba kung ano-ano
ang mga pagpapahalagang ito?
1. Sa bawat sitwasyon na inilahad, anong pagpapahalaga ang
nararapat? Piliin sa Kahon ng Pagpapahalaga ang sagot sa bawat bilang.
Kahon ng Pagpapahalaga
Libo-libong tao ang nasawi nang
manalasa ang Bagyong Yolanda.
Maraming bahay at gusali ang
gumuho.. Sa kabila nito hindi
nangamba ang mga Pilipino na sila ay
pababayaan ng Diyos.
Ang awit na “Anak” ni Freddie Aguilar na
tumutukoy sa hindi mapapantayang
pagmamahal ng mga magulang sa anak ay
naisalin sa 26 na wika, narinig sa 56 na bansa
at bumenta ng 30 milyong kopya. Ano ang
ipinahahatid ng awit na ito?
________________________________
Para sa mga Pilipino, hindi kinakailangan maging
mayaman upang makatulong sa kapuwa. Sa mga
panahon ng kalamidad at nananawagan ang mga
estasyon ng radyo o telebisyon, mapapansin
mong bumabaha ng tulong mula sa ating mga
kababayan.
________________________
Hindi nagdalawang isip si Cherryl
Macaraeg, isang Pilipinong
nakatira na sa Canada, na ibalik ang
halagang $100,000 sa bangkong
nagkamali na ideposito ito sa
kaniyang savings account.
Kung mapansin ng iba na ikaw ay may
hinahanap na lugar, nag-aalok silang tulungan
ka. Kung may dala kang mabigat, hindi mo na
kailangan pang humingi ng tulong, may mga
nakahandang mag-alok nito sa iyo.
Likas ito sa ating mga Pilipino.
____________________________
2. May iba ka pa bang alam na pagpapahalagang Pilipino?
Paano ka makatutulong sa pagpapanatili nito?
3. Anong mabuting kaugalian ang iyong naipakita bilang
Pilipino?
4. Paano makaaapekto ang magandang ugaling ito sa
pandaigdigang pagkakaisa?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang
pagkakaroon ng sariling disiplina tungo sa progresibong
kultura?
Gawain 2
Pangkatang Gawain
1. Pagyamanin natin ang ating kultura. Katulong ang iyong pangkat,
gumawa ng word tree para sa paksa o bahagi ng kulturang maitatalaga sa
inyong pangkat. Maaaring gawing halimbawa ang word tree sa araling ito.
Gamitin ang inyong pagkamalikhain. Gawin ito sa isang manila paper.
Unang Pangkat - Mga Laro at Libangan
Ikalawang Pangkat - Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas Ikatlong
Pangkat - Mga Lutuing Pagkaing Pilipino Ikaapat na Pangkat - Mga
Awiting Pilipino
Ikalimang Pangkat - Mga Kuwento at Tula
Ikaanim na Pangkat - Mga Kasuotan
2. Ibahagi sa klase ang nagawa ng inyong
pangkat. Ilarawan o ipakita sa pamamagitan ng
kilos ang mga nabuong sagot.
3. Sabihin kung paano kayo makatutulong sa
pagpapayaman at pagpapanatili ng kulturang
Pilipino.
Sa pagdaan ng panahon, hindi
maiiwasang magkaroon ng
pagbabago sa isang kultura. Ano-
ano ang mga dahilan ng mga
pagbabagong ito? Dapat bang
gayahin o tanggapin ang anumang
nauuso?
1. Katulong ang iyong pangkat,
gumawa ng poster o collage na
nagpapakita ng yaman at ganda ng
kulturang Pilipino. Maaari itong
magpakita ng mga materyal at di
materyal na salik ng ating kultura. Sa
ibaba ng poster ay gumawa ng
magsisilbing pamagat o paksa ng
inyong poster.
2. Ibahagi ang inyong ginawa sa klase.
Sabihin kung tungkol saan ang inyong
ginawa at paano ito makapaghihimok o
makagaganyak sa iba na mahalin at
ipagmalaki ang ating kultura.
Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat.
Napapaloob dito ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga,
mga gawi, at mga bagay o sagisag na magpapakilala sa kanila bilang isang
natatanging pangkat. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa
isang pangkat, kinakailangang malaman mo ang kultura ng pangkat na ito.
Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan
bilang isang bansa. Bilang isang Pilipino, tungkulin nating alamin, alagaan,
pagyamanin, at ipagpatuloy ang kultura natin.
. Masarap sa pakiramdam na alam mo ang iyong
pinagmulan, ang pamana ng iyong lahi. Dahil alam
mo na bahagi ito ng iyong pagka-Pilipino, pananatilihin
mong buhay ito. Sa iyong pagtanda, tanungin ka man
ng mga nakababata, masasagot mo ang anumang
may kinalaman sa kulturang Pilipino dahil kilala mo ito
at bahagi ka nito.
Napakaraming magagandang katangian ang kulturang
Pilipino. Bilang Pilipino, tungkulin nating palaganapin at pagyamanin
ang mga pamanang ito.
1. Nakakita ka na ba ng flyer o brochure? Karaniwan itong
ipinamimigay kung may produktong nais ipakilala sa mga
mamimili. Gumawa ng isang flyer o brochure na maglalarawan
ng isang aspekto ng kulturang Pilipino.
2. Lagyan din ng pamagat o tag line ang ginawang materyal.
Halimbawa: Pilipinas ang Ganda! Tayo Na!
3. Mga halimbawa ng maaaring gawin ay:
• Masasarap na pagkaing Pilipino
• Mga larong Pilipino
• Mga pambansang sagisag at kahalagahan
• Isang tanyag na Pilipino sa kaniyang larangan
• Isang tanawin o lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan
• Mga natatanging kaugalian sa Pilipinas
• Isang popular na kuwentong Pilipino na alam mo
4. Para makagawa ng isang magandang brochure, maaaring
gamiting batayan ang mga ipakikitang brochure o flyer ng
guro. Gamitin ang iyong pagiging malikhain. Lagyan ito ng
makukulay na larawan. Maaaring gumupit sa mga lumang
magasin o maaari ding sariling guhit ang mga larawan.
Talakayin din ang paksa sa brochure. Gawing maikli ngunit
malaman ang pagtatalakay. Narito ang halimbawang
balangkas para sa isang brochure.
• Tupiin ang isang puting papel sa tatlong bahagi.
• Ang isang bahagi ay maaaring gawing front cover o
paunang pahina. Dito mo ilalagay ang pamagat o paksa
ng iyong brochure. (Halimbawa: "Paano Magluto ng
Sarap-Asim na Sinigang")
• Para sa susunod na pahina, habang tinatalakay ang
paksa, maglagay ng mga kaugnay na larawan upang
higit na maging kaakit-akit itong basahin.
5. Pagkatapos mo itong magawa, ipakita ang iyong nagawa sa
katabi. Ipaliwanag sa kaniya ang iyong nagawa.
6. Pagkatapos makapagbahagi, sa tulong ng guro, ilalatag ang
mga nagawang brochure sa isang mesa, ilalabas ito, upang
makita at mabasa ng ibang mag-aaral
Halimbawa ng brochure:
CO
EPED
. Mga Halimbawa ng Brochure
Source: https://www.flickr.com/ retrieved 08/15/2014
I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong
sagot sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga
salitang nasa kahon.
karapatan Lydia de Vega Rona Mahilum
bayanihan Emilio Advincula Jolibee
malasakit
1. Siya ang kauna-unahang Pilipinang naipadala sa Olympics
upang kumatawan sa ating bansa. Itinanghal bilang Asia’s
fastest woman noong 1980’s.
2. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob
na pagtulong. Halimbawa: kung may nagbabayad na
pasahero, inaabot natin ang kaniyang bayad kahit hindi
natin siya kakilala; kung may nahulog na gamit ang isang
tao at alam mong marami siyang dala, pinupulot mo ito o
tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit niya.
3. Noong Mayo 26, 1996, nasunog ang isang bahay sa Negros
Occidental. Isang batang babae ang nagtamo ng mga
lapnos sa kaniyang likod sa pagliligtas sa kaniyang limang
kapatid sa kasagsagan ng sunog. Noong 1997, kinilala
siya sa kaniyang katapangan at kabayanihan!
4. Noong 1996, naiwan ng isang balikbayan ang kaniyang
bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng
P2 milyon at ilang libong dolyar. Ibinalik lahat ng bayaning
taxi drayber ang naiwan ng kaniyang pasahero.
5. Ito ang kauna-unahang food chain restaurant na nagtagumpay
na makipagsabayan sa ibang restawran sa ibang bansa. Kilala
ito sa linyang “Langhap Sarap.”
II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat
gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong
nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano
ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
b. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
c. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay
magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po
at opo sa mga nakatatanda.
d. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.
2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon.
Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy.
Ano ang ituturo mo sa kaniya?
a. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng
computer games.
b. Iimbitahan ko siyang magbasketbol.
c. Magkukunwari akong hindi narinig ang T
atay dahil
mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan
ko siya.
d. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
3. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw
ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang
iyong gagawin?
a. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
b. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
c. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa
araw ng pagtatanghal.
d. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin
dahil iyon ang uso.
4. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong
Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong-tulong
ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief
goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal
para sa kanila.
Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil
sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga
kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat
Pilipino ang pagiging:
a. bayani
b. madasalin c.
matulungin d.
mapagbigay
5. Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain
ang inyong leksiyon sa Matematika. Laging mababa ang
kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas
lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti
ang itinuturo ng inyong guro.
a. Maaawa ako sa kaniya.
b. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral
kami ng leksiyon namin sa Matematika.
c. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
d. Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.
III. Paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapalaganap
ng Kulturang Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.
1.
2.
Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ay
handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Lagi mong isapuso
ang pagmamahal sa bansang Pilipinas. Pagmalasakitan mo ito at
ipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino.
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx

Contenu connexe

Tendances

Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
jetsetter22
 
Mga produkto at kalakal sa mga lalawigan
Mga produkto at kalakal sa mga lalawiganMga produkto at kalakal sa mga lalawigan
Mga produkto at kalakal sa mga lalawigan
NeilfieOrit2
 
Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)
Jov Pomada
 

Tendances (20)

Pang uri at-uri_ng_pang-uri_grade_6
Pang uri at-uri_ng_pang-uri_grade_6Pang uri at-uri_ng_pang-uri_grade_6
Pang uri at-uri_ng_pang-uri_grade_6
 
Filipino 6 dlp 7 pormularyong pampaaralan sagutin
Filipino 6 dlp 7   pormularyong pampaaralan sagutinFilipino 6 dlp 7   pormularyong pampaaralan sagutin
Filipino 6 dlp 7 pormularyong pampaaralan sagutin
 
Pamilyar at Di- Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di- Pamilyar na SalitaPamilyar at Di- Pamilyar na Salita
Pamilyar at Di- Pamilyar na Salita
 
Mga Panghalip Panao (ako,ikaw,siya,kayo,tayo at sila)
Mga Panghalip Panao (ako,ikaw,siya,kayo,tayo at sila)Mga Panghalip Panao (ako,ikaw,siya,kayo,tayo at sila)
Mga Panghalip Panao (ako,ikaw,siya,kayo,tayo at sila)
 
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito akoEsp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
 
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
Iba’t ibang uri ng panahanan (espanyol)
 
Mga produkto at kalakal sa mga lalawigan
Mga produkto at kalakal sa mga lalawiganMga produkto at kalakal sa mga lalawigan
Mga produkto at kalakal sa mga lalawigan
 
Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)
 
Paggamit ng Magagalang na Pagbati
Paggamit ng Magagalang na PagbatiPaggamit ng Magagalang na Pagbati
Paggamit ng Magagalang na Pagbati
 
Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)
 
PANGHALIP PATULAD
PANGHALIP PATULADPANGHALIP PATULAD
PANGHALIP PATULAD
 
Paghihinuha
PaghihinuhaPaghihinuha
Paghihinuha
 
Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo
Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismoReaksyon ng pilipino sa kristiyanismo
Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo
 
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at MagkasingkahuluganMga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
 
Pariralang Pang -abay na Naglalarawan
Pariralang Pang -abay na NaglalarawanPariralang Pang -abay na Naglalarawan
Pariralang Pang -abay na Naglalarawan
 
Tambalang Salita.pptx
Tambalang Salita.pptxTambalang Salita.pptx
Tambalang Salita.pptx
 
Ako, ikaw at siya
Ako, ikaw at siyaAko, ikaw at siya
Ako, ikaw at siya
 
Panghalip
PanghalipPanghalip
Panghalip
 
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagatF6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
 
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungatFilipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
 

Similaire à ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx

ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
MarydelTrilles
 
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptxFILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
soeyol
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
GenevieAnigan
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
VanessaCabang1
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
VanessaCabang1
 

Similaire à ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx (20)

Lp esp-3-gradind-g4
Lp esp-3-gradind-g4Lp esp-3-gradind-g4
Lp esp-3-gradind-g4
 
WEEK1-dll-ESP.docx
WEEK1-dll-ESP.docxWEEK1-dll-ESP.docx
WEEK1-dll-ESP.docx
 
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
 
panitikang isabelo
panitikang isabelopanitikang isabelo
panitikang isabelo
 
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
 
Ohspm1b q1
Ohspm1b q1Ohspm1b q1
Ohspm1b q1
 
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdfAP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
FILIPINO 5.pptx
FILIPINO 5.pptxFILIPINO 5.pptx
FILIPINO 5.pptx
 
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - NurseryMasayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
Aralin 3: Ang Apat Na Buwan ko sa Espanya
Aralin 3: Ang Apat Na Buwan ko sa EspanyaAralin 3: Ang Apat Na Buwan ko sa Espanya
Aralin 3: Ang Apat Na Buwan ko sa Espanya
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.pptDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
 
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptxFILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
FILIPINO 8-SANAYSAY.pptx
 
2_Q2-Komunikasyon sa pananaliksin tungo sa wikav.2.pptx
2_Q2-Komunikasyon sa pananaliksin tungo sa wikav.2.pptx2_Q2-Komunikasyon sa pananaliksin tungo sa wikav.2.pptx
2_Q2-Komunikasyon sa pananaliksin tungo sa wikav.2.pptx
 
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptxARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
 
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docxDLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
 

Plus de cindydizon6

English Game Only Connect for Grade 5 ..
English Game Only Connect for Grade 5 ..English Game Only Connect for Grade 5 ..
English Game Only Connect for Grade 5 ..
cindydizon6
 
Template - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docx
Template - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docxTemplate - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docx
Template - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docx
cindydizon6
 
ELLN GETTING STARTED.pptx
ELLN GETTING STARTED.pptxELLN GETTING STARTED.pptx
ELLN GETTING STARTED.pptx
cindydizon6
 
COT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptx
COT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptxCOT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptx
COT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptx
cindydizon6
 

Plus de cindydizon6 (20)

September 11, 2023-Daily Lesson Log for Grade 5
September 11, 2023-Daily Lesson Log for Grade 5September 11, 2023-Daily Lesson Log for Grade 5
September 11, 2023-Daily Lesson Log for Grade 5
 
English Game Only Connect for Grade 5 ..
English Game Only Connect for Grade 5 ..English Game Only Connect for Grade 5 ..
English Game Only Connect for Grade 5 ..
 
Template - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docx
Template - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docxTemplate - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docx
Template - SELG SSLG Quarterly Accomplishment Report.docx
 
September 12, 2023.docx
September 12, 2023.docxSeptember 12, 2023.docx
September 12, 2023.docx
 
JUNE 13, 2023.docx
JUNE 13, 2023.docxJUNE 13, 2023.docx
JUNE 13, 2023.docx
 
WEEK 2.pptx
WEEK 2.pptxWEEK 2.pptx
WEEK 2.pptx
 
Kasanayan at Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental.pptx
Kasanayan at Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental.pptxKasanayan at Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental.pptx
Kasanayan at Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental.pptx
 
AP-PANGKAPAYAPAAN.pptx
AP-PANGKAPAYAPAAN.pptxAP-PANGKAPAYAPAAN.pptx
AP-PANGKAPAYAPAAN.pptx
 
quadrilaterals.pptx
quadrilaterals.pptxquadrilaterals.pptx
quadrilaterals.pptx
 
number sequence.pptx
number sequence.pptxnumber sequence.pptx
number sequence.pptx
 
APRIL 4, 2023.docx
APRIL 4, 2023.docxAPRIL 4, 2023.docx
APRIL 4, 2023.docx
 
APRIL 5, 2023.docx
APRIL 5, 2023.docxAPRIL 5, 2023.docx
APRIL 5, 2023.docx
 
LIGHT.pptx
LIGHT.pptxLIGHT.pptx
LIGHT.pptx
 
magnetic force.pptx
magnetic force.pptxmagnetic force.pptx
magnetic force.pptx
 
ELLN GETTING STARTED.pptx
ELLN GETTING STARTED.pptxELLN GETTING STARTED.pptx
ELLN GETTING STARTED.pptx
 
COT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptx
COT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptxCOT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptx
COT-Filipino-IV-2nd Quarter.pptx
 
Types_of_Magnets[1].ppt
Types_of_Magnets[1].pptTypes_of_Magnets[1].ppt
Types_of_Magnets[1].ppt
 
Sangay ng Pamahalaan.pptx
Sangay ng Pamahalaan.pptxSangay ng Pamahalaan.pptx
Sangay ng Pamahalaan.pptx
 
DLL_ESP 4_Q3_W3.docx
DLL_ESP 4_Q3_W3.docxDLL_ESP 4_Q3_W3.docx
DLL_ESP 4_Q3_W3.docx
 
ANIMALS THAT LIVE ON LAND.pptx
ANIMALS THAT LIVE ON LAND.pptxANIMALS THAT LIVE ON LAND.pptx
ANIMALS THAT LIVE ON LAND.pptx
 

Dernier (6)

Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
A Semi Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 3.docx
A Semi Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 3.docxA Semi Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 3.docx
A Semi Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 3.docx
 
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, at Pananaw ng Teksto
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, at Pananaw ng TekstoPagtiyak sa Damdamin, Tono, at Pananaw ng Teksto
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, at Pananaw ng Teksto
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 

ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx

  • 1. Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan
  • 2. Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang nagbibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling pagkakakilanlan. Nakikilala tayo bilang isang lahi sa pamamagitan ng ating pagkain, pananamit, mga laro, kuwento, mga pambansang sagisag, kaugalian o mga gawi. Paano pa maaaring makilala ang isang bansa? Halina at ating tuklasin ang angking ganda at yaman ng ating kultura.
  • 3. Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may sarili nang sistema ng pagbasa at pagsulat ang mga katutubong Pilipino? Kilala ito sa tawag na baybayin. Suriin natin ang tsart na ito: Ang Baybayin.
  • 4. Ginagamit pa rin ang baybayin ng ilang katutubong pangkat tulad ng mga Hanunuo at Bujid. Gayon din naman, maraming Pilipino ang kinakikitaan ng kawilihang pag-aralan ito at gamitin. Nararapat lamang sapagkat ito ay bahagi ng ating kultura. Pinatutunayan nito na ang mga Pilipino ay may kabihasnang hindi nahuhuli sa mga katabing bansa sa Asya noong sinaunang panahon pa man.
  • 5. Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na sinasabing umiral na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol? Saan ito isinusulat at paano ito binabasa? Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga sinaunang Pilipino ng sariling baybayin? Paano mo mapahahalagahan ang mga katutubong Pilipino na may mayamang kultura noon pa mang sinaunang panahon?
  • 6. 2. Magbaybayin Tayo: Subuking isulat ang mga salita sa ibaba gamit ang baybayin. Gamitin bilang gabay ang tsart. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
  • 7. Katulong ang iyong katabing mag-aaral, buuin ang web. Isulat sa maliliit na hugis bilog ang angkop na halimbawa ng mga materyal na kulturang Pilipino. Isulat lamang ang bilang ng halimbawa sa hugis bilog. Idugtong ang maliliit na bilog sa kinabibilangang malaking bilog. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing 2. aratilis 10. Tinikling 3. Pandango sa Ilaw 11. maruya 4. sungka 12. patintero 5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan 6. Cariňosa 14. Ibong Adarna 7. adobo 15. Anak
  • 8. 1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing 2. aratilis 10. Tinikling 3. Pandango sa Ilaw 11. maruya 4. sungka 12. patintero 5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan 6. Cariňosa 14. Ibong Adarna 7. adobo 15. Anak sayaw laro Awit Kuwento Pagkain Materyal na Kultura
  • 9. a.Ano ang ipinahihiwatig ng nabuong web tungkol sa kulturang Pilipino? b.Bilang mga Pilipino, bakit mahalagang kilala natin ang ating kultura? c.Paano mo mapahahalagahan ang ating sariling kultura sa modernong panahon? Pangatwiranan.
  • 10.
  • 11. Kahon ng Pagpapahalaga * Pananalig sa Diyos * Kabaitan * Pagkamatapat * Kawanggawa o Charity * Pagkamaalalahanin * Pagmamahal sa Pamily * Pagmamahal o Pag-aaruga sa Anak Gaano ang alam mo sa kulturang Pilipino? Halina at gawin ang sumusunod. Gawain 1 Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilang natatanging pagpapahalaga sa kultura. Alam mo ba kung ano-ano ang mga pagpapahalagang ito? 1. Sa bawat sitwasyon na inilahad, anong pagpapahalaga ang nararapat? Piliin sa Kahon ng Pagpapahalaga ang sagot sa bawat bilang. Kahon ng Pagpapahalaga
  • 12. Libo-libong tao ang nasawi nang manalasa ang Bagyong Yolanda. Maraming bahay at gusali ang gumuho.. Sa kabila nito hindi nangamba ang mga Pilipino na sila ay pababayaan ng Diyos. Ang awit na “Anak” ni Freddie Aguilar na tumutukoy sa hindi mapapantayang pagmamahal ng mga magulang sa anak ay naisalin sa 26 na wika, narinig sa 56 na bansa at bumenta ng 30 milyong kopya. Ano ang ipinahahatid ng awit na ito? ________________________________
  • 13. Para sa mga Pilipino, hindi kinakailangan maging mayaman upang makatulong sa kapuwa. Sa mga panahon ng kalamidad at nananawagan ang mga estasyon ng radyo o telebisyon, mapapansin mong bumabaha ng tulong mula sa ating mga kababayan. ________________________ Hindi nagdalawang isip si Cherryl Macaraeg, isang Pilipinong nakatira na sa Canada, na ibalik ang halagang $100,000 sa bangkong nagkamali na ideposito ito sa kaniyang savings account.
  • 14. Kung mapansin ng iba na ikaw ay may hinahanap na lugar, nag-aalok silang tulungan ka. Kung may dala kang mabigat, hindi mo na kailangan pang humingi ng tulong, may mga nakahandang mag-alok nito sa iyo. Likas ito sa ating mga Pilipino. ____________________________ 2. May iba ka pa bang alam na pagpapahalagang Pilipino? Paano ka makatutulong sa pagpapanatili nito? 3. Anong mabuting kaugalian ang iyong naipakita bilang Pilipino? 4. Paano makaaapekto ang magandang ugaling ito sa pandaigdigang pagkakaisa? 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagkakaroon ng sariling disiplina tungo sa progresibong kultura?
  • 15. Gawain 2 Pangkatang Gawain 1. Pagyamanin natin ang ating kultura. Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng word tree para sa paksa o bahagi ng kulturang maitatalaga sa inyong pangkat. Maaaring gawing halimbawa ang word tree sa araling ito. Gamitin ang inyong pagkamalikhain. Gawin ito sa isang manila paper. Unang Pangkat - Mga Laro at Libangan Ikalawang Pangkat - Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas Ikatlong Pangkat - Mga Lutuing Pagkaing Pilipino Ikaapat na Pangkat - Mga Awiting Pilipino Ikalimang Pangkat - Mga Kuwento at Tula Ikaanim na Pangkat - Mga Kasuotan 2. Ibahagi sa klase ang nagawa ng inyong pangkat. Ilarawan o ipakita sa pamamagitan ng kilos ang mga nabuong sagot. 3. Sabihin kung paano kayo makatutulong sa pagpapayaman at pagpapanatili ng kulturang Pilipino.
  • 16.
  • 17. Sa pagdaan ng panahon, hindi maiiwasang magkaroon ng pagbabago sa isang kultura. Ano- ano ang mga dahilan ng mga pagbabagong ito? Dapat bang gayahin o tanggapin ang anumang nauuso?
  • 18. 1. Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng poster o collage na nagpapakita ng yaman at ganda ng kulturang Pilipino. Maaari itong magpakita ng mga materyal at di materyal na salik ng ating kultura. Sa ibaba ng poster ay gumawa ng magsisilbing pamagat o paksa ng inyong poster.
  • 19. 2. Ibahagi ang inyong ginawa sa klase. Sabihin kung tungkol saan ang inyong ginawa at paano ito makapaghihimok o makagaganyak sa iba na mahalin at ipagmalaki ang ating kultura.
  • 20. Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat. Napapaloob dito ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga, mga gawi, at mga bagay o sagisag na magpapakilala sa kanila bilang isang natatanging pangkat. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa isang pangkat, kinakailangang malaman mo ang kultura ng pangkat na ito. Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Bilang isang Pilipino, tungkulin nating alamin, alagaan, pagyamanin, at ipagpatuloy ang kultura natin.
  • 21. . Masarap sa pakiramdam na alam mo ang iyong pinagmulan, ang pamana ng iyong lahi. Dahil alam mo na bahagi ito ng iyong pagka-Pilipino, pananatilihin mong buhay ito. Sa iyong pagtanda, tanungin ka man ng mga nakababata, masasagot mo ang anumang may kinalaman sa kulturang Pilipino dahil kilala mo ito at bahagi ka nito.
  • 22.
  • 23. Napakaraming magagandang katangian ang kulturang Pilipino. Bilang Pilipino, tungkulin nating palaganapin at pagyamanin ang mga pamanang ito. 1. Nakakita ka na ba ng flyer o brochure? Karaniwan itong ipinamimigay kung may produktong nais ipakilala sa mga mamimili. Gumawa ng isang flyer o brochure na maglalarawan ng isang aspekto ng kulturang Pilipino. 2. Lagyan din ng pamagat o tag line ang ginawang materyal. Halimbawa: Pilipinas ang Ganda! Tayo Na! 3. Mga halimbawa ng maaaring gawin ay: • Masasarap na pagkaing Pilipino • Mga larong Pilipino • Mga pambansang sagisag at kahalagahan • Isang tanyag na Pilipino sa kaniyang larangan • Isang tanawin o lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan • Mga natatanging kaugalian sa Pilipinas • Isang popular na kuwentong Pilipino na alam mo
  • 24. 4. Para makagawa ng isang magandang brochure, maaaring gamiting batayan ang mga ipakikitang brochure o flyer ng guro. Gamitin ang iyong pagiging malikhain. Lagyan ito ng makukulay na larawan. Maaaring gumupit sa mga lumang magasin o maaari ding sariling guhit ang mga larawan. Talakayin din ang paksa sa brochure. Gawing maikli ngunit malaman ang pagtatalakay. Narito ang halimbawang balangkas para sa isang brochure. • Tupiin ang isang puting papel sa tatlong bahagi.
  • 25. • Ang isang bahagi ay maaaring gawing front cover o paunang pahina. Dito mo ilalagay ang pamagat o paksa ng iyong brochure. (Halimbawa: "Paano Magluto ng Sarap-Asim na Sinigang")
  • 26. • Para sa susunod na pahina, habang tinatalakay ang paksa, maglagay ng mga kaugnay na larawan upang higit na maging kaakit-akit itong basahin. 5. Pagkatapos mo itong magawa, ipakita ang iyong nagawa sa katabi. Ipaliwanag sa kaniya ang iyong nagawa. 6. Pagkatapos makapagbahagi, sa tulong ng guro, ilalatag ang mga nagawang brochure sa isang mesa, ilalabas ito, upang makita at mabasa ng ibang mag-aaral Halimbawa ng brochure:
  • 27. CO EPED . Mga Halimbawa ng Brochure Source: https://www.flickr.com/ retrieved 08/15/2014
  • 28.
  • 29. I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon. karapatan Lydia de Vega Rona Mahilum bayanihan Emilio Advincula Jolibee malasakit 1. Siya ang kauna-unahang Pilipinang naipadala sa Olympics upang kumatawan sa ating bansa. Itinanghal bilang Asia’s fastest woman noong 1980’s. 2. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob na pagtulong. Halimbawa: kung may nagbabayad na pasahero, inaabot natin ang kaniyang bayad kahit hindi natin siya kakilala; kung may nahulog na gamit ang isang tao at alam mong marami siyang dala, pinupulot mo ito o tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit niya. 3. Noong Mayo 26, 1996, nasunog ang isang bahay sa Negros Occidental. Isang batang babae ang nagtamo ng mga lapnos sa kaniyang likod sa pagliligtas sa kaniyang limang kapatid sa kasagsagan ng sunog. Noong 1997, kinilala siya sa kaniyang katapangan at kabayanihan! 4. Noong 1996, naiwan ng isang balikbayan ang kaniyang bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng P2 milyon at ilang libong dolyar. Ibinalik lahat ng bayaning taxi drayber ang naiwan ng kaniyang pasahero.
  • 30. 5. Ito ang kauna-unahang food chain restaurant na nagtagumpay na makipagsabayan sa ibang restawran sa ibang bansa. Kilala ito sa linyang “Langhap Sarap.” II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano ang iyong gagawin? a. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa. b. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya. c. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po at opo sa mga nakatatanda. d. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya. 2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kaniya? a. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games. b. Iimbitahan ko siyang magbasketbol. c. Magkukunwari akong hindi narinig ang T atay dahil mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan ko siya. d. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
  • 31. 3. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin? a. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling. b. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo. c. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal. d. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso. 4. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong-tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila. Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang pagiging: a. bayani b. madasalin c. matulungin d. mapagbigay 5. Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong leksiyon sa Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng inyong guro.
  • 32. a. Maaawa ako sa kaniya. b. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksiyon namin sa Matematika. c. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro. d. Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti. III. Paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. 2. Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ay handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Lagi mong isapuso ang pagmamahal sa bansang Pilipinas. Pagmalasakitan mo ito at ipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino.