2. ANO ANG SALAPI?
Ang salapi ang ginagamit na
tagapamagitan sa transaksyon
ng sambahayan at bahay-
kalakal at iba pang sektor ng
ekonomiya upang ang produkto
at serbisyo ay maipalit sa ibang
produkto
3. Mahalaga ang salapi sa daloy
ng produkto at kita. Ang salik ng
produksyon ay madaling
maililipat sa bahay-kalakal at
ang mga produktong nagawa
ay madaling makararating sa
sambahayan kung may
intrumentong magsisilbing
tagapamagitan.
4. KATANGIAN
NAHAHATI (DIVISIBLE)- nabibitbit sa
ibang lugar ng hindi nagiging mabigat
na pasanin sa paglalakbay.
MATIBAY- mapapalitan ang kaanyuan
ng salapi upang maging mas
kapakipakinabang sa mga pinansyal na
transaksyon
NALILIKHA- kapag ipinapautang ng mga
bangko ang bahagi ng deposito nito,
nadaragdagan ang money supply sa
ekonomiya
5. EBOLUSYON NG SALAPI
SISTEMANG BARTER:
- ginamit noong unang panahon
kung saan ang isang produkto ay
ipapalit sa kapwa produkto.
6. PAGGAMIT NG ISANG BAGAY NA
NAGSISILBING PERA:
Naisip ng mga tao noon na
gumamit ng isang bagay na
magsisilbing pamantayan sa
palitan.
Hal. Asin, balat, tabako, palay atbp.
Tinawag itong COMMODITY MONEY
7. PAGSIBOL NG SALAPING
METAL
Ang paggamit ng isang bagay
bilang salapi ay hindi pa rin
naging madali kaya lumitaw
ang salaping metal.
Hal. Ginto, Pilak at Tanso
8. SALAPING PAPEL
Ang paggamit ng salaping ginto at pilak
ay naging mabigat sa mga
mangangalakal, lalo pa kung malayo
ang kanilang lalakbayin.
Anumang kalakal kalakal na hindi
nababayaran ng COINS ay bibigyan ng
papel bilang tanda ng kabayaran nito.
Hindi nagtagal, sumibol na ang mga
bangko na nagsilbing tagatago ng mga
coins at salaping papel
9. URI NG SALAPI
COMMODITY MONEY
•Mahahalagang bagay/produkto
ay ginamit bilang pambili at
pamantayan sa palitan
•Hal. Bigas, mais, ginto, pilak
10. TOKEN MONEY
isang uri ng salaping metal kung
saan ang halaga ng metal ay mas
mababa kaysa halagang
nakatatak sa mukha ng coins.
Tinatawag ding SUBSIDIARY
MONEY
11. SALAPING PERA
Mas pinipiling gamitin ng mga tao
kaysa sa salaping metal sapagkat
ito’y mas magaan at madaling
dalhin
Tinatawag ding BANK NOTES dahil
ito at gawa ng BSP
12. FIAT MONEY
Salaping
ginagamit dahil binigyan
ng pamahalaan ng pahintulot.
Noong panahon ng pananakop ng
Hapones, fiat money ang ginamit.
Ang mga salapi na ginagamit natin
ngayon ay fiat money din.
14. GAMIT NG SALAPI
Tagapamagitan sa Palitan (Medium
of exchange)
Pamantayan ng Halaga (Standard of
Value)
Pamantayan sa Maantalang
Pagbabayad (Standard of Deffered
Payments)
Resarba sa Halaga (Store of Value)