1. Banghay Aralin sa Filipino III
III- Cherry
Enero 22, 2016
I. Layunin
1) Maipapahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa.
2) Magagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang
gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan.
3) Magiging masunorin na mamamayang pilipino.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pandiwa
Sangunian:
https://k12resources.files.wordpress.com/2014/06/filipino-3-tg-draft-4-
10-2014.pdf
Kagamitan: Imahe
Stratehiya: Gawaing pang-grupo
III. Pamamaraan
A. Pannimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magpapakita ng imahe at ipapasuri ito sa mga mag-aaral.
Tanong:
Ano- ano ang mga ginagawa nila sa larawan?
2. Pagbabalik Aral
Mabigay ng mga salitang kilos.
3. Pagganyak
Ano-ano ang mga ginagawa sa tahanan, paaralan, at pamayanan?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Ipasuri ang larawan. Pagawain ang mga bata ng pangungusap tungkol
sa kilos ng bawat kasapi ng mag-anak sa larawan.
2. Tanong:
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
2. Pagtatalakay
Tanong:
Sino-sino kaya ang kasapi ng pamilya?
Ano ang ginagawa ng bawat kasapi? Isulat sa pisara ang sagot
ng mga bata.
Saan nila ito ginagawa?
Ano ang dapat nating gawin sa mga tungkulin at gawain natin?
Paano tayo magiging huwaran sa ating sariling tahanan?
Paaralan? Pamayanan?
3. Pagpapahalaga
Ano ang pandiwa?
Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles.
4. Paglalapat
Ilarawan ang ginagawa ng bata. Gawan ng isang pangungusap at bilogan
ang Pandiwa o salitang kilos.
IV. Pagtataya
Bilogan ang mga salitang kilos na makikita sa kahon.
V. Takdang Aralin
Sumasayaw Ako Kumakain Lumalangoy
Ang Tumalon Siya Pumunta Tumatawa
Natutulog Kayo Nagsusulat Nangyari lamang
3. Magbigay ng isang salitang kilos na makikita sa iyong tahanan. At gawan ng
pangungusap.
3 2 1
Wasto at malinaw
angpaglalarawan;
angkop ang mga
panghalip na ginagamit,
bantas at malaking titik
sa pangungusap.
Wasto at malinaw ang
paglalarawan; di wasto
and paggamit ng
bantas at malaking titik
sa pangungusap.
Di-malinaw ang
paglalarawan gamit ang
pangkasalukuan;
angkop ang mga
panghalip; wasto/di-
wasto ang paggamit ng
bantas at malaking titik
sa pangungusap.
Gawa ni:
Lea Mae Ann B. Violeta
Student Teacher
Winasto ni:
Erlinda B. Tejero
Cooperating Teacher