2. Katapatan
Maging matapat sa pag-uulat ng mga datos at
kinalabasan ng pananaliksik, metodo at
pamamaraang pampananaliksik, at maging sa
paglalathala.
3. Obhektibo
Tignan ang gawaing pananaliksik nang may
pagpapahalaga sa katotohanan batay sa datos na
nakalap at hindi tinitignan ang personal na
damdamin at pananaw.
4. May integridad
Gawin ang gawaing pananaliksik sa tawag ng
pagtulong sa kapwa at paggalugad ng
katotohanan para maunawaan ang karunungan
na nais malaman at maunawaan.
5. Pagiging maingat
Panatilihin ang kasinupan ng mga tala (records)
ng gawain tulad ng pangangalap ng mga datos,
disenyong pampananaliksik, at maging ang mga
liham pangkomunikasyong ipinalalabas.
6. Openness
Maging bukas sa pagbabahagi ng mga datos,
resulta, ideya, kagamitan at pinagkukunan.
Maging handa sa mga puna (kritisismo) at
bagong ideya.
7. Igalang ang intelektuwal na
kakanyahan (Intellectual Property)
Bigyang respeto ang mga taong unang nakaisip
ng ideya, disenyo, pamamaraan o metodo ng
pananaliksik na ginagamit.
8. kompidensiyalidad
Laging proteksyunan ang mga pinagkukunan ng
datos, (resources), mga liham
pangkomunikasyong ginamit, mga tala (records)
na nakuha mula sa iba’t ibang institusyon at lalo’t
higit ang impormasyon ng mga respondente.
9. Sosyal na Gampanin
Gamitin ang gawaing pananaliksik para isulong
ang higit na kabutihan para sa lahat na
magbubunga ng pagbabagong makabuluhan,
gayundin upang lalong makatulong sa kapwa.
10. Huwag magdidiskrimina
Huwag magsagawa ng pananaliksik na
magbubunga ng diskriminasyon sa kapwa.
Ituring na magkakapantay bilang tao ang mga
tao.
11. kagalingan
Panatilihin ang propesyonal na kagalingan sa
pamamagitan ng patuloy na pag-aaral.
Hindi nagtatapos ang gawaing pananaliksik
kapag nakapaglathala na.
12. Bigyang proteksyon ang pagkatao
Bigyang halaga ang pagbibigay proteksyon sa
nararamdaman at iniisip. Maging ang kalagayang
panlipunan ay dapat ding bigyang pansin upang
maiwasang makasakit ng pagkatao.
14. 1.Sarili
Pangunahing kaakibat ng pagtingin sa sarili
bilang hanguan ng paksang pampapananaliksik
ang mga sariling karanasan ng mananaliksik.
15. 2.Radyo, Telebisyon at Cable TV
Maaari ring hanguan ang mga programang
napapanood at napapakinggan, lalo na ang mga
programang pangkaalaman (educational), balita
talkshows, variety shows, pampalakasan at iba
pa.
16. 3.Pahayagan at Magasin
Kabilang sa tinatawag na traymidya. Isa sa
mabisang sangay ng komunikasyon na
nakakaabot sa mga tao para maghatid ng mga
napapanahong balita at mga kapaki-pakinabang
na impormasyon.
17. 4.Otoridad, Kaibigan at Guro
Ang maituturing na ikatlong tao proseso ng
komunikasyon ay maaaring maging epektibo
ring hanguan ng paksa.
18. 5. Internet
Ang internet ay maituturing na pinakamadali,
mabilis, at may malawak na paraan ng
paghahanap ng paksa bunga ng mga websites na
tumutugon sa iba’t ibang interes ng mga
nananaliksik.
19. 6. Aklat
Tradisyunal na maituturing subalit pinaka
mabisang hanguan ito sa pagbuo ng paksa.
20. 7. Larangang kinabibilangan
Bukod sa pagiging praktikal nito ay maaaring
makatulong ito sa espesyalisyon ng
mananaliksik.