1. Ikalimang Bahagi
Gamit ng Sikolohiyang
Pilipino: Paano at Para
Kanino?
Ang Patalastas at
ang Sikolohiyang
Pilipino
2. Ano ang Patalastas?
Ang patalastas ay isang
paraan ng pag-anunsyo ng
produkto o serbisyo sa
pamamagitan ng iba’t-ibang
anyo ng komunikasyong pang
madla.
3. Kasaysayan ng
Patalastas
• Ayon kay Nofuente
(1976), ito ay maaaring
ugatin sa pag-akit ng
ahas kina Adan at Eba.
• Ayon sa mga
antropolohista,
patalastas nang
matatawag ang mga
natagpuang nakaukit sa
loob ng mga kuweba.
4. Ang pinaka-unang anyo ng
patalastas ay sa
pamamagitan ng bibig.
Ang tagasigaw sa daan
ay naghihikayat na
bilhin ang kaniyang
paninda, tulad ng
hayop, pagkain,
kasangkapan, at kahit
na alipin. Ginagamit
pa rin ang anyong ito
sa kasalukuyan ng mga
nagtitinda sa gabi, na
sumisigaw ng “Balut
Penoy!” (Santos 1979).
5. Ang ikalawang anyo ay
nakalimbag napatalastas na
lumalaganap sa anyo ng poster
at karleton matapos maimbento
ang imprenta noong siglo 15.
Nagpatuloy ang paglaganap nito
kasabay ng pag-unlad ng
makabagong teknolohiya. Tuluyan
nang nahasa ang telebisyon. Higit
nang malawak ang naabot ng mga
patalastas (Nofeunte 1976).
6. Ang pag-unlad ng anyo ng patalastas ay
kanais nais para sa mga korporasyong
transnasyonal. Ang humihigit kumulang sa
250korporasyong transnasyonal na nasa bansa
ngayon,na mahahati sa halos 356 kompanya,
ay namumuhunan sa paggawa ng mga consumer
goods (tulad ng pagkain, sabon,baterya,
kotse, goma,gamit at iba pa); gayundin,
namumuhunan sila sa ibang larangan tulad ng
bangko, langis, atbp. Ang paggawa o
produksyong ang pinakamalawak ng gawaing
saklaw ng mga korporasyong transnasyonal
(Tiglao 1978; Toress 1977).
7. Ano ang Korporasyong
Transasyunal?
Ang mga korporasyong transnasyonal
ay ang mgakorporasyong may malaking
capital na namumuhunan sa Pilipinas,
na ang punong sangay ay karaniwang
nasa isang mayamang bansa tulad
ng Amerika at Hapon, at mayroong
sangay sa iba`t ibang bansa, lalo na
sa bansang kabilang sa Ikatlong
Daigdig.
8. Dahil sa dami ng mga produktong
lumalabas, kailangang mag-anunsyo
upang ipakilala ang isang
produkto sa madla, o kaya`y higit
na magkaroon ng matingkad na
reputasyon ang produkto. Isang
karaniwang obserbasyon ng
kapag mahusay ang patalastas,
tataas ang benta ng benta ng
produkto, bagamat mahirap ang tuwiran
relasyon nito.
9. Dahil sa kahalagan ng patalastas,
malaking salapi ang napupunta sa
paggawa nito. Ang ilang kompanya ay may
sariling dibisyong namamahala sa
pagpapakilala ng produkto sa madla sa
pamamagitan ng patalastas. Ang iba nama`y
nagbabayad na lamang sa ilang ahensyang
pampatalastas upang mapagawa nito. Ang
patalastas ang bumubuhay sa mga programa
sa radyo at telebisyon. Nagbabayad din
sila ng malaking halaga upang makasingit
sa paitan nito. Gayundin, tumutulong din
ito sa pinansya ng mga dyaryo at magasin
(Schultz 1979).
11. Apat na hakbang sa pagbuo
ng isang patalastas ayon
kay Morris
1.Alamin kung sino ang bibili ng produkto.
Mayaman ba siya o mahirap? Gaano siya
katanda? Ano kanyang trabaho o hanapbuhay?
Saan siya nakatira? Ano ang mga suliranin
at motibasyon niya sa buhay?
2.Alamin ang pangangailangan ng mamimili na
maaaring tugunan ng produkto.
3.Suriin kung anong katangian ng produkto ang
dapat bigyan ng kahalagahan o diin.
4.Gawin ang patalastas- Anong kulay ang
gagamitin? Gaano ito kahalaga? Anong
migdyum ang pipiliin? Anong ideya ang
nilalaman nito?
12. Ano ang Consumer
Psychologist?
Ang isang consumer psychologist ay
interesadong pag-aralan ang mga
palagay at kilos ng mga mamimili
upang ang kompanya ng produkto ay
makatugon sa pagbabago sa market.
Ang pagtugon na ito ay sa
pamamagitan ng pagbabago ng
patalastas. Sinusuri ng
sikolohista ang mga bagay na
maaaring makaapekto sa pamimili ng
produkto ng isang tao.
13. Ang mga bagay na ito ay
maaaring kaugnay ng:
1.Mamimili mismo- ang kanyang nakaugaliang
produkto o tatak ng produkto, ang kanyang
pagkatao, katayuan sa buhay at edad;
2.Produkto mismo- pabalat nito, tatak,
reputasyong nabuo nitong presyo;
3.Mensahe ng patalastas- nanghihikayat na
bumili, o lumilikha ng magandang emaheng
para sa produkto; nananakot (Negative
appeal) o ipinakita ang positibong resulta
sa paggamit ng produkto (Positive appeal)
(Schultz 1079).
14. Apat na kategorya ng pangkalahatang
pagnanais ng tao na nakakaimpluwenysa sa
paglikha ng patalastas (Yankelovich)
1. maginhawang pamumuhay;
2.paghahanap ng kasiyahan o kakaibang karanasan;
3. negatibong reaksyon sa mga masisikip na lugar, sa
mga komplikadong bilihin, sa mga antas at
institusyon; at
4.mga hiling ng tao na nakakaapekto sa pamimili,
halimbawa kaligayahang maidudulot sa pamilya,
pagtatrabaho ng babae sa labas ng tahanan at
pagtatakwil sa mga bagay na hindi natural.
16. Makikita sa pag-alala ng mga
tao sa tatak ng produkto at
paggamit nito bilang pangalan
ng produkto mismo, kahit na
ito ay ibang tatak.
Ang pagkonsumo mismo.
Paglala ng kaisipang
kolonyal.
Batayan sa pagtanggap ng tao.
Isa pang epekto ng patalastas
na iniulat ni Nofuerte (1976)
ay ang ilusyon ng
industriyalisasyon.
18. Dalawang paraan ng presentasyon ng
patalastas. (Schultz, 1979)
Positive Appeal –
Ipinakikita ang
magandang mangyayari
kapag ginamit ang
produkto.
Negative Appeal –
Ipinakikita ang masamang
mangyayari kapag hindi
gumamit ng produktong
yaon.
20. Kilusan ng Mamimili sa Pilipinas
• Non-stock, non-profit, non-political na
samahan na itinatag noong Marso 1971.
• Ang layuning ng samahan ay upang
makapagbigay ng edukasyon sa mga
mamimili tungkol sa pagkain at
nutrisyon. Ipinaaalam sa mga mimimili
ang resulta ng mga makasiyentipikong
pananaliksik tungkol sa produkto
ngpagkain, o kaya’y mahalagang
impormasyon tungkol rin sa patalastas,
pagtatatak (labeling) at mga
pangkalahatang impormasyon tungkol sa
industriya ng pagkain (ASM 1977).
21. Isang ulat sa Ang Mamimili ang naglahad
ng isang patnubay para sa mamimiling
Pilipino tungkol sa pagsuri sa patalastas.
Ayon sa artikulo sa Ang Mamimili 1 (3)
(1972)
1. Huwag seryosohin ang patalastas;
pinakamagandang katangian lamang ang
ipinapakita sa patalastas;
2. Bigyan ng pansin ang mga bagay na hindi
sinasabi;
3. Timbangin mabuti kung ano talaga ang
sinasabi;
4. Alamin kung anong damdamin ang nilalayong
pukawin ng patalastas;
5. Paghambingin ang patalastas ng iba’t-ibang
marka ng isang uri ng produkto;
6. Alamin ang mga bagong pangyayari sa paligid
kaugnay ng produkto.
23. Ano ang Kolonyalismo?
• Ang kolonyalismo ay ang tuwirang
pananakop ng isang bayan sa iba pa
upang mapagsamantalahan ang yaman
nito o makuha rito ang iba pang
pangangailangan ng mangongolonya. Ang
kolonyalismo ay madalas na
naihahalintulad sa Imperyalismo
ngunit ang dalawa ay mayroong
pagkakaiba.``Maaaring magsilbing
basehang pangkalakal o pangmilitar
ang kolonya
24. • Ang pagkakaroon ng kaisipang kolonyal
ay maaaring iugat sa pagdating ng mg
dayuhang impluwensya sa ating bansa,
tulad ng Kastila, Amerikano at Hapon.
• Isang paliwanag kung bakit pinapiral
ang kaisipang kolonyal sa mga
Pilipino ay may kaugnay sa mga
bansang pinagmulan ng pinakamalaking
puhunan ng mga kompanyang gumagawa ng
mga produktong tinatangkilik ng mga
Pilipino. Karamihan sa mga ito ay
pag-aari ng mga korporasyong
transnasyunal.