2. KAY SELYA
Makikita sa mga saknong na ito ang
pagbabalik tanaw ni Balagtas kay Selya ang
babaeng minahal niya nang labis subalit naging
dahilan din ng pinakamalaki niyang kabiguan sa
pag-ibig. Inalala niya ang masasayang sandali ng
kanilang pag-iibigan ngunit dahil sa hindi
inaasahang pagkakataon ay nagwakas ang
kanilang pag-iibigan at naiwan siyang bigo sa pag-
ibig.
3. Sa tindi ng sakit ay halos ninais ni Balagtas
na mawala na rin sa mundo nang sila’y
naghiwalay. Subalit sa kabiguang ito ay siya ring
nagbigay inspirasyon kay Balagtas upang
makalikha ng isa sa mga tanyag na tula sa
Pilipinas, dahil ito’y napapag-aralan sa paaralan sa
Ika-8 sa sedundarya.
4. SA BABASA NITO
Mababasa sa saknong ang habilin ni
Balagtas para sa mga taong babasa sa kaniyang
akda. Nag-iwan siya ng tagubilin o habilin na
huwag babaguhin ang berso ng kaniyang tula
upang mapahalagahan ito. Inaasahan rin ni
Balagtas na mapahalagahan ng mga mambabasa
ang mensahe ng bawat babasa ng kaniyang akda.
5. ANG HINAGPIS NI FLORANTE
Maiilarawan sa saknong na si Florante ay
isang malakas, magiting at matapang na heneral
ng Albanya subalit makikita rin sa bawat saknong
ang hinagpis o kalunos-lunos na sinapit ni
Florante. Nakagapos si Florante sa puno ng higera
na kung saan siya ay nasa mapanglaw na gubat.
6. ANG HINAGPIS NI FLORANTE
Bukod rito, makikita sa saknong ang
paghihirap na nangyayari sa kaharian ng Albanya
na kaniya rin minamahal na nasakop na ni Konde
Adolfo.
Nawalan siya ng pag-asa at maging sa Diyos
ay nakapagpahayag rin siya na hinakit sa pag-
aakalang siya’y napabayaan.
7. ALAALA NI LAURA
Ang saknong na ito ay bahagi ng unang
saknong na inyong nabasa na may kaugnayan sa
babaeng kaniyang pinakamamahal na si Laura, na
siyang nagbigay ng lakas at pag-asa sa kaniya.
Ngunit ang magagandang alaalang ito ay
napalitan ng selos sa pag-iisip na si Laura ay
masaya na sa piling ni Adolfo habang siya ay
nagdurusa.
8. ALAALA NI LAURA
Subalit, naalala niyang tapat ang pag-ibig ni
Laura sa kaniya gaya ng pag-ibig niya. Kaya naman
sa saknong na ito ay hinihingi niya ang pagdamay
ng dalaga sa kaniyang kalagayan. Ngunit
mababasa rin ang pagpapabalik ng kawalan ng
pag-aasa ng binata.
10. Ang tayutay ay isang pampanitikang paraan
ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang
labas sa patitik na kahulugan upang maging
maganda at masining ang pagpapahayag.
11. Bukod rito, ang tayutay ay isang salita o
grupo ng mga salita na kadalasang ginagamit
upang maihayag ang isang emosyon sa paraang
hindi karaniwan upang makabuo ng mas malalim
na kahulugan. Ito ay hindi literal kundi isang
matalinghaga na minsa’y ginagamit bilang
simbolo.
12. 1. Apostrope (panawagan)- pagtawag o
pakikipag-usap nang may masidhing
damdamin sa tao o bagay na animo’y kaharap
ang kausap.
Halimbawa:
Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai, Sirenas
ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo’y siyang
pinipintakasi ng lubhang mapanglaw na
musa kong imbi.
13. O, tadhana! Pag-ibig na tunay sa aki’y ibigay
na.
Swerte, dumayo ka sa akin at ako’y
payamanin.
14. 2. Ekslamasyon- pagsasaad ng isang masidhing
damdamin sa isang pahayag.
Halimbawa:
Sa kagugunita, luha’y lalagasgas, Sabay ang
taghoy kong “O nasawing palad!”
Lubos ang tuwa ko pagdating niyo.
Mabuhay, mabuhay, lalaya na ako!
15. 3. Personipikasyon (paurintao)- kilos, talino, o
katangian ng tao sa mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng pandiwa.
Halimbawa:
Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit na
nagsasalitang buhay may mapatid tapat na
pagsinta’y hangad na lumawig.
17. 4. Metapora (pagwawangis)- paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay ngunit hindi
gumagamit ng salitang gaya, tulad, kumpara
kawangis at iba pa.
Halimbawa:
Ikaw na bulaklak niring dilidili
Si Elena ay isang magandang bulaklak.
18. Gawain. Magtala ng tiglilimang uri ng Tayutay
na makikita sa akdang Florante at Laura mula
sa Kabanata na Kay Selya hanggang sa Alaala ni
Laura.
19. ANG PAG-IBIG KAY FLERIDA
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya
na dumating sa kagubatang kinaroroonan ni
Florante dala rin ng isang problema. Inagaw ng
kanyang malupit na amang si Sultan Ali-Adab ang
pinakamamahal niyang si Flerida.
20. DALAWANG AMA, TUNAY NA MAGKAIBA
Hinanap at nakita niya ang binata ngunit
hindi niya agad nilapitan. Ipinagpatuloy ni Florante
ang panaghoy at dito nalaman ni Aladin ang
kabag-habag na paraan na pagkamatay ng
pinakamamahal na amang si Duke Briseo sa kamay
ni Adolfo, gayundin ang pag-alaala Ni Florante sa
pagmamahal, kabutihan at kabaitan ng kanyang
ama sa kanya.
21. DALAWANG AMA, TUNAY NA MAGKAIBA
Kabaliktaran ng kanyang ama, si Sultan Ali-
Adab ang ama ni Florante. Naging malupit ang
kanyang ama kaya’t pawang kalungkutan at
pagdurasa ang naranasan niya sa piling na ama.
Hindi siya nakalasap ng pagmamahal mula sa
magulang sapagkat maruga niyang ina ay maaga
ring pumanaw.
22. ANG PAMAMAALAM NI FLORANTE
Nagsabi siya ng pamamaalam kay Laura
nang biglang dumating ang dalawang leong may
pagbabalak na aakmain siya. Subalit himalang
huminto ang mga ito at tila naawang tumitig at
nakinig sa kanya. Nagpaalam din siya sa bayan ng
Albanya.
23. ANG PAMAMAALAM NI FLORANTE
Nabanggit niya ang kanyang hinanakit sa
pag-aakalang kinalimutan siya ng bayang
ipinagtanggol niya ng paulit-ulit laban sa mga
kaaway at kay Laura dahil naisip niyang tinalikuran
na siya ng iniibig sa harap ng nakaambang
kamatayan.
24. Pagsagip Mula sa Pangil ng mga Leon
(Mga Saknong 126-142)
Mga Salita
126
Tinunton-hinanap
Patalim-kutsilyo
127
Dawag gubat-
29. PAGSAGIP MULA SA PANGIL NG MGA LEON
Hindi natiis ni Aladin ang matinding awa sa
narinig kaya’t hinanap niya ang pinagmumulan ng
panaghoy. Nang makita niyang isang Kristiyano
pala ang nanaghoy ay nagdalawang isip siya kung
tutulungan o hindi. Subalit saglit ang kaniyang
naging pag-aalinlangan dahil nakita niyang handa
nang sakmalin ng dalawang mabangis na leon si
Florante.
30. PAGSAGIP MULA SA PANGIL NG MGA LEON
Agad niyang sinugod at pinatay ang mga
leon. Pagkatapos ay dali-dali niyang tinulungan
ang binatang noon walang malay at tila isa nang
bangkay. Inobserbahan niya ang mukha at dibdib
nito upang matukoy kung humihinga pa. Nag-alala
man sa kalagayan ng binata, napayapa siya ng
magsimula ito kumilos, hudyat ito ng paggising
niya.
31. PAGKALINGA NG ISANG KAAWAY
(Mga Saknong 143-171)
Mga Salita
143
Pagkalungayngay-pagkakahigang tila walang lakas
144
Gunitain-isipin
39. PAGKALINGA NG ISANG KAAWAY
Ikinagulat niyang siya’y nasa kandungan ng
isang Morong kaaway ng kanyang lahi. Pinilit
niyang bumangon subalit hindi pa niya kaya.
Pinayapa siya ni Aladin at sinabing ligtas na siya.
Naalala ni Florante ang dalawang leon at nasabing
patay na siya marahil kung hindi sa pagdating ni
Aladin. Tinanggap niya ang tulong ng isang
kaaway.
40. PAGKALINGA NG ISANG KAAWAY
Magdamag na hindi natulog si Aladin upang
maalagaan at mabantayan si Florante sa mga
hayop na gumagala sa gubat. Kinabukasa’y
nagsimula ng bumalik ang lakas ni Florante. Sa
tuwa ni Aladin ay muli siyang naluha at niyap si
Florante dala ng matinding pasasalamat dahil
nabuhay ang binata.
41. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
172
Tugon-sagot
Dalita-hirap
173
Nag-agapay- naging sandingan
Naparool-napahamak
42. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
175
Esposa-asawa
176
Nagdusa-naghirap
43. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
178
Uliran-huwaran
179
Bugtong-kaisa-isa
44. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
180
Nag-andukha-tumatangkilik sa na ngangailangan
Ambil-palayaw
181
Sasalitin-sasalitain
Daragitin-hahablutin
45. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
182
Bahay sa gintang- bahay pahingahan
Legwas-katumbas ng dalawang metro
183
Epiro-matandang pook sa Timog Kanluran ng Turkiya
Tinudla-pinana
46. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
184
Sinambitla-dinakma
188
inaaglahi-iniinsulto
47. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
189
Ibibinit-itutudla
190
Dawag-gubat
48. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
191
Sinuling-suling-pagkalito
Tumok-makapal na damo
193
Nayadas- nimfas sa batis at ilog
Lira-lyre
49. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
195
Duklay-abot-kamay
196
Malawig-matagal
50. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
198
Hinagpis-sama ng loob
Dahas-puwersa
199
Magawi-masanay
Hilahil-pagdurusa
51. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
200
Ikinaluluoy-ikinalanta
201
Kisapmata-kurap
52. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
(Mga Saknong 172-206)
Mga Salita
204
Atenas-isa sa bantog na syudad sa Gresya
205
Pitaco- isa sa pitong pantas sa Gresya
53. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
Isinalaysay ng binata ang kaniyang buhay.
Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo
ng Albanya at Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa
Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang
ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseoat
tumayong pangalawang puno sa kaharian. Isang
matapang na pinuno at mapagmahal na Ama si
Duke Briseo.
54. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
May ilang mahalagang pangyayari noong
bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na
siyang madagit ng isang buwitre ngunit naligtas
siya ng pinsang ni Menalipo. Isang araw, isang
ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at
dinagit ang kanyang dyamanteng kubido sa
dibdib.
55. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
Nang siya’y siyam na taon na, pinalilipas niya
ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y
natututo na siyang mamana ng ibon at iba pang
hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan. Si
Florante ay naging malayang bata Krotona,
nagagawa niya ang gusto niyang gawin, gaya ng
pamamana ng iba’t ibang hayop.
56. PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA
KANIYANG KAMUSMUSAN
Ngunit hindi kalaunan ay naisip ng kaniyang
ama na mas kapaki-pakinabang kung mag-aaral si
Florante sa Atenas at ito ang dahilan ng
pagkalungkot ng kaniyang Ina. Sa Atenas naging
maestro niya si Antenor, lahi ng mga Pitako, ito’y
mabait at marunong na maestro.