2. LEARNING
OBJECTIVE
Conduct a short research project to answer a
question, drawing on several sources and
generating additional related, focused questions
that allow for multiple avenues of exploration.
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o
pagkukwento ng mga pangyayari sa isang
tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar
at panahon o sa isang tagpuan nang may
maayos na pagkakasunod-sunod mula
simula hanggang katapusan.
TEKSTONG NARATIBO
3. LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO
• makapagsalaysay
ng mga
pangyayaring
nakapanlibang o
nakakapagbigay-
aliw o saya.
• nakapagtuturo ng
kabutihang asal,
mahahalagang aral,
at mga
pagpapahalagang
pangkatauhan tulad
ng pagiging mabuti at
tapat, na ang
kasamaan
5. IBA’T-IBANG PANANAW O PUNTA VISTA( POINT OF VIEW) SA
TEKSTONG NARATIBO
1. UNANG PANAUHAN
Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng
mga bagay na kaniyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya
gumagamit ng panghalip na ako.
2. IKALAWANG PANAUHAN
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga
panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito
gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
6. A. Maladiyos na panauhan-
nababatid niya ang galaw at iniisip ng
lahat ng mga tauhan Napapasok niya
ang isipan ng bawat tauhan at
naihahayag niya ang iniisip,
damdamin, at paniniwala ng mga ito
sa mga mambabasa
IBA’T-IBANG PANANAW O PUNTA VISTA( POINT OF VIEW) SA
TEKSTONG NARATIBO
3. IKATLONG PANAUHAN
ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang
panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa
labas siya sa mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
B. Limitadong panauhan-
nababatid niya ang iniisip
at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa
iba pang tauhan.
C. Tagapag-obserbang panauhan-
hindi niya napapasok o nababatid
ang nilalaman ng isip at damdamin
ng mga tauhan. Tanging ang mga
nakikita o naririnig niyang
pangyayari, kilos, o sinasabi lang
ang kaniyang İsinalaysay.
7. IBA’T-IBANG PANANAW O PUNTA VISTA( POINT OF VIEW) SA
TEKSTONG NARATIBO
4. KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN
Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't
iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay Karaniwan itong nangyayari sa
isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay
sumasakop ng mas mahabang panahon at mas
maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat
kabanata.
8. MAY PARAAN NG PAGPAPAHAYAG O PAGLALAHAD NG MGA TAUHAN SA
KANILANG DIYALOGO, SALOOBIN, AT DAMDAMIN SA TEKSTONG NARATIBO
1. DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG
Ang tauhan ay direkta o tuwirang
nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito
ay ginagamitan ng panipi.
Halimbawa:
"Donato, kakain na,Anak,” tawag ni Aling
Guada sa anak na noo'y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing
nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan, "Aba'y kayganda naman
nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba
talaga ang balak mo, ha?"
9. MAY PARAAN NG PAGPAPAHAYAG O PAGLALAHAD NG MGA TAUHAN SA
KANILANG DIYALOGO, SALOOBIN, AT DAMDAMIN SA TEKSTONG NARATIBO
2 DI-DIREKTA O DI-TUWIRANG PAGPAPAHAYAG
Ang tagapagsalaysay ang
naglalahad sa sinasabi, iniisip, o
nararamdaman ng tauhan sa
ganitong un ng pagpapahayag Hindi
na ito ginagamitan ng panipi
Halimbawa:
Tinatawag ni Aling Guada ang anak dahil
kakain habang ito ay abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit
na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak
at tinanong din niya kung ano ba talaga ang
balak niya.
10. MGA ELEMENTO ANG MGA TEKSTONG NARATIBO
2. TAGPUAN AT PANAHON
Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng
mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon
(oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral
sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari
tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang,
takot,romantikong paligid, matinding pagod,
kalungkutan at iba pa.
11. KARANIWANG TAUHAN SA MGA AKDANG NARATIBO AY ANG SUMUSUNOD
• Pangunahing
Tauhan bida,
umiikot ang
mga
pangayayari sa
kuwento simula
hanggang sa
katapusan
• Kasamang
Tauhan
karaniwang
kasama o
kasangga ng
pangunahing
tauhan
• Katunggaling
Tauhan -
kontrabida,
siyang
sumasalungat o
kalaban ng
pangunahing
tauhan
• Ang May-akda-sa
likod ay laging
nakasubaybay ang
kamalayan ng
makapangyarihang
awtor
12. DALAWANG URI NG TAUHAN AYON KAY E M, FROSTER
• Tauhang Bilog
(Round Character)-
Isang tauhang may
multi-dimensiyonal o
maraming saklaw
ang personalidad
• Tauhang Lapad (Flat
Character) - tauhang
nagtataglay ng lisa o
dadalawang katangiang
madaling matukoy o
predictable.
13. MGA ELEMENTO ANG MGA TEKSTONG NARATIBO
3. BANGHAY
Maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang mabigyang-linaw ang temang taglay
ng akda.
14. KARANIWANG BANGHAY O BALANGKAS NG ISANG NARATIBO
•Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung
saan maipakilala ang mga tauhan, tagpuan, at
tema (orientation or introduction)
•Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng
kalutasan ng mga tauhan partikular na ang
pangunahing tauhan (problem)
•Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang
hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin
ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising
action)
•Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong
sa isang kasukdulan (climax)
• Pababang pangyayari na humantong sa isang
resolusyon o kakalasan (falling action)
• Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas
(ending)
15. ANACHRONY O MGA PAGSASALAYSAY NA HINDI NAKAAYOS SA TAMANG PAGKAKASUNOD-SUNOD
•Analepsis (Flashback) dito ipinapasok
ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas.
• Prolepsis (Flash-forward) - dito
nama'y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
• Ellipsis- may mga nagpapakitang may
bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o
hindi isinama.
16. MGA ELEMENTO ANG MGA TEKSTONG NARATIBO
4. PAKSA O TEMA
sentral na ideya kung saan umiikot ang mga
pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang
malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda
upang mapalutang ng may-akda ang
pinakamahalagang mensaheng nais niyang
maiparating sa kanyang mambabasa.
17. Sagot ng isa, puntos ng lahat!
Bumuo ng dalawang pangkat.Ambagan ang paraan ng
pagsusulit na ito. Bawat miyembro ay sasagot sa bawat tanong
isa-isa.
18. Pagtataya
Panuto: Piliin mula sa kahon ang salitangtinutukoy sa bawat pahayag.Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Ito ang pinakamahalagang component ng isang salaysay at ito ay madalas na
nagaganap sa pagitan ng bida at kontrabida.
2. Ang lugar,oras at panahon ng naganap na pangyayari.
3. Tinutukoy nito kung kaninong pananaw o punto ang isinalaysay na kwento.
4. Lahat ng kwento ay may tauhan.Karaniwang may bida at kontrabida.
5. Bawat salaysay ay may nararapat na banghay ng pangyayari.kung walang
nagyari,walang isasalaysay
19. Takdang Aralin
Magsaliksik ng isang halimbawa ng tekstong naratibo. Tukuyin ang mga elemento
nito.
1. Tauhan
2. Tagpuan at Panahon
3. Banghay
4. Paksa o Tema